Chapter 25: Mama & Papa

276 17 0
                                    

ZOE’s POV

 

Click!

Eh? Sound ng camera?

Click!

 

Hindi, baka nananaginip lang ako. Hinila ko yung kumot para takpan ang mukha ko dahil nasisilaw ako sa liwanag pero may pumipigil dito. Pero, sino namang hihila? Baka nadaganan ko lang. Tinangka ko ulit na hilahin ito pero hindi talaga mahila.

Dahan-dahan kong minulat yung mata ko para maka pag-adjust ito sa liwanag. Nung makapag-adjust na yung paningin ko ay may nakita kong tao sa kabilang side ng kama ko. Naka-dapa ito at yung ulo niya ay naka harap sa akin.

Si Brian lang pala… Ipinikit ko ulit yung mga mata ko para bumalik sa tulog. Naramdaman kong may sumiksik sa akin tapos umakap ito sa bewang ko. Wait? Dalawang kamay? Yung isa ay malaki yung kamay at sigurado akong si Brian yun. Pero yung isa, maliit lang ang kamay nito at mukhang bata ang nag mamay-ari. Sino ‘to? Sino ‘tong bata na ‘to… At si Brian, nasa kama ko??

Si Brian, nasa kama ko??

Si Brian, nasa kama ko??

Si Brian, nasa kama ko??

Si Brian, nasa—E—eh?!

Agad kong minulat yung mga mata ko ng ma realize ko na nasa kama ko si Brian.

“B-Brian?!” Gulat na tawag ko rito. Dahan-dahan niyang minulat yung mga mata niya at kinamot ito tyaka tumingin sa akin.

“Ah, Zoe… Good morning.” Blush. Naka-ngiting bati niya sa akin.

“A-anong ginagawa mo dito?” Agad akong umupo at lumayo ng kaunti dito.

“Kasi si Mika…” Si Mika? Tiningnan ko yung space na namamagitan sa amin ni Brian.  Nakahiga sa pagitan namin si Mika at katabi nito si Pululu.

“M-Mika?”

“Ummm… Ate Zoe… Good morning…” Bati nito habang naka pikit pa din siya at walang pang balak na gumising.

Bakit andito si Mika? At bakit dito sila natulog na dalawa?! Anong nangyari kagabi? Tinitigan kong muli si Mika at pilit na inaalala yung nangyari kagabi. Face palm.

Ah, naalala ko na.

Flashback

“ATE ZOE!!!” Napa lingon kami ni Brian sa may gate ng marinig namin ang boses ni Mika. Bumaba ito ng sasakyan at tumakbo papalapit sa akin para akapin ako.

“Mika?”

 

“Namiss kita Ate Zoe!”

 

“Bakit andito ka? Gabi na ah?” Tanong naman ni Brian rito.

 

“Iiwan ko sana muna dito si Mika.” Sagot ni Ate Sky sa amin.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon