Chapter 05: Reason

503 17 4
                                    

ZOE's POV

Hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin yung nalaman ko dun sa babae na nakita namin sa mall nung nakaraang araw. Di kasi ako makapaniwala na 'cool' si Brian dati. Wala kasi sa itsura niya ngayon. As in, walang-wala! Haay. May isa pa pala, hindi din mawala sa isip ko na nagalit si Brian dun sa lalaki nung sabihin nito na ako na lang ang ipangbayad sa kanya. Haay.

Bakit ganun? Kung kaya niyang magalit, bakit hindi niya ginagawa yun sa school kapag binubully siya?  Kung kaya niya kong ipagtanggol, bakit hindi niya gawin sa kanya yun? Ano bang problema ng taong yun? Tss. Sobrang dami ko ng tanong sa sarili ko. Aghh.

Napatingin ako sa cellphone ko ng marinig kong tumunog ito. Agad ko 'tong kinuha at sinagot yung tawag.

"Ena."

 

[Bat parang ayaw mo na napatawag ako, ha?]

 

"Anung ayaw? Gustong-gusto ko nga eh!"

 

[Sus, ang tamlay nga ng pagkakasagot mo sa akin eh.] Ay, nag umpisa nanaman siyang magdrama.

"May iniisip lang kasi ako bago ka tumawag."

 

[Aba, mukhang malalim yang iniisip mo ah?] Narinig kong tanong ni Amber.

"Hey, magkasama kayo? At naka loudspeaker pa talaga ah?

 

[ O.A nito. Loudspeaker kaagad? Hindi ba pwedeng naka-earphones muna?]

 

"Fineeeee~ bakit kayo napatawag?" Tanong ko sa kanila.

[Tamo, ayaw niya talagang tumawag tayo eh.] Narinig kong sabi ni nito kay Amber.

 

"Ena!" Narinig ko namang tumawa lang si Amber sa kabilang linya. -____- naku, lakas din ng trip ng dalawang to eh.

[Punta kami dyan.] Paalam ni Amber.

"WHAT?!" Sigaw ko. Eh, pabigla-bigla kaya silaaa! Tyaka, di ko naman bahay 'to para magpapunta ng ibang tao!

[Ang bingi mo! Punta kami dyan!]Pag papaalam ulit ni Ena.

"Wait, magpapaalam lang ako kay Tita. Ite-text ko na lang kayo."

 

[Ok. Bye. Pero payagan ka man o hindi, pupuntahan ka naming diyan!] Sabay na paalam nila tyaka inend yung tawag. HALA?! Siraulo talaga ‘tong dalawang ‘to ehh!! Mapapahamak ako ng dahil sa kanila! >_<

Agad akong pumunta sa office ni tita dito sa bahay, para ipagpaalam na pupunta sila Ena dito.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon