Chapter 36:

110 6 0
                                    

"Yo. " Bati nila Ena pag dating nito sa canteen. Umupo ito sa tabi ko at tumabi naman sa kanya si Nicko.

"Kamusta yung investigation?" Tanong ni Amber sa akin na kararating lang din. Nagpunta kasi sila ng admin para magpaalam dahil aabsent sila ng 1week para sa photoshoot nila.

"Wala pa din silang nakukuhang lead kung sino ang nagpapadala nung letter."

"Infairness, grabe magtago ang salarin. 1 month na ang lumilipas pero wala pa ding lead." -Kath

"Baka naman kasi si Mitch talaga 'yon?" Hirit ni Chris at kasabay nito ang pagtingin ni Nicko sa kanya. Affected pa din si Nicko sa mga nangyayari dahil sa pinsan niya si Allen at Mitch. Maliban doon, kapatid na ang turing nito sa kanila kaya kahit na kampihan or ipag tanggol niya kami sa dalawang iyon ay nasasaktan pa din siya.

"Tama na yan Chris." Pag-saway naman ni Brian.

"Fine."

"Alam niyo, hindi nakakatulong yung pagbibintang natin doon sa dalawa." Pag singit naman sa amin ni Ena. "Habang dinadamay natin si Mitch dito mas lalo lang silang mang gugulo kay Zoe."

"Bakit ba kinakampihan mo yung dalawa?" Balik na tanong ni Chris sa kanya.

"Hindi ko sila kinakampihan Chris. Sinasabi ko lang kung ano yung totoo."

"Kung ano yung totoo o baka dahil kay Nicko kaya pinagtatanggol mo sila?" Tanong muli ni Chris na may halong pagdududa. "Sino ba talagang mas mahalaga sayo Ena? Si Nicko o si Zoe?"

"Ako pa talaga ang tinanong mo Chris?" Asar na sagot ni Ena dito. Tumataas na yung boses nilang dalawa at si Nicko naman ay tahimik pa din.

"Oo. Bakit hindi ka na makasagot? Ayaw mo bang marinig ni Zoe o Nicko kung sino ng mas matim--" Blag. Nagulat kaming lahat ng biglang kwelyohan ni Nicko si Chris. Makikita mo sa mukha ni Nicko yung galit niya ng dahil sa mga sinasabi ni Chris tungkol kay Ena.

"Tumahimik ka na." Utos ni Nicko dito na may halong pagbabanta. Yung mga tao naman sa paligid namin ay nakatingin na sa amin.

"Bakit Nicko, hindi mo pa din ba matanggap na kayang gawin 'yon ng pinsan mo?"

"Pwede ba, tumigil na kayo!" Sigaw ni Ena sa kanila. Aish! Ano bang problema ni Chris at dakdak ng dakdak ito? Bakit ba pilit niyang iniipit si Nicko sa mga nangyayari sa akin?

"Tama na yan." Pag-awat ko dito pero hindi pa din binibitawan ni Nicko si Chris. Si Chris naman ay naka-ngisi pa din sa kanya at tipong mas lalo pa niyang ginagalit si Nicko.

"Ni--" Napahinto si Ena sa pagsasalita at nagulat naman kaming lahat ng marinig naming magsalita si Brian na kanina pa tahimik sa tabi ko.

"Nicko, tama na yan." Seryosong utos nito. Ang cold ng boses niya. Agad namang binitawan ni Nicko si Chris at umalis sa pwesto namin. Sinundan siya ni Ena ng tingin.

"Ena," Tumingin ito sa akin at sinenyasan ko siya na sundan na niya si Nicko.

"Thank you." Agad itong umalis para sundan si Nicko.

"Tch. Ano bang problema mo Chris? Bakit mo ba iniipit si Nicko?" Asar na tanong ni Amber.

"Hindi ko siya iniipit. Gusto ko lang na malaman niya at kung ano bang dapat niyang gawin..." Umupo ito at ininom yung soda niya. "para kay Zoe, Ena at sa dalawa niyang pinsan."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito.

"Oras na malaman nating may kinalaman si Mitch sa mga letter na dumadating sayo, anong gagawin ni Nicko?" Seryosong tanong nito. "Possibleng kampihan niya tayo, pero anong iisipin nila Mitch o ni Mitch mismo? Iisipin niya na kaya tayo kinakampihan ni Nicko ay dahil kay Ena at hindi dahil sa mali siya.  Lalong magagalit si Mitch kay Nicko at lalo maapektuhan si Ena dahil sa iisipin nito na kaya lalong nagalit si Mitch kay Nicko ay dahil sa kanya."

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon