Zoe's POV
Eto ako ngayon, nasa mall kasama si Amber, Ena, at Brian. Anong gagawin namin dito? Para bigyan ng make-over itong bwisit na lalaki na 'to. Pagkatapos naming pag-usapan yung tungkol sa nakaraan ni Brian nung nagpunta sila sa bahay ay kinausap nila si Tita tungkol dun sa plano nila. Eto namang si tita, pumayag. Aba, excited na excited pa nga sa kalalabasan ng plano eh. Para talaga silang mga bata. Sana nga lang ay maging effective itong plano nila.
"Anong gagawin natin dito?" Pagtatakang tanong ni Brian sa amin. Basta na lang kasi namin siyang sinama eh.
"Bibigyan ka namin ng make-over." Sagot ni Ena sa kanya.
"H-hah? W-wag na, hindi ko naman kailangan yun eh." Sagot ni Brian sa kanya. Ano bang ikinatatakot nitong lalaking 'to?
“Brian, kailangan mo ‘to.” Pagpipilit ni Ena sa kanya.
“H-hindi na talaga kailangan. Ok na ko n-na ganito ako.” Hirit niya.
“Brian, hangga’t ganyan ka kasi, hindi ka nila titigilan sa pang bu-bully.” Paliwanag ni Amber sa kanya.
“Eh,” Yumuko ito. “Sanay naman na ako na ginaganun nila ko eh.” Nginitian sila nito. Naku! Tumingin ako ng masama kay Brian.
"Wag ka ng mag reklamo, pwede? Isipin mo na lang ay para sa akin 'tong gagawin mo." Sagot ko sa kanya na may halong pagka-irita. Ang dami kasing arte eh. Siya na nga yung tinutulungan eh.
"Galit ka nanaman kay Brian." Natatawang sabi ni Amber. Hindi ko ba alam kung bakit ang bilis uminit ng ulo ko sa panget na 'to. Tss.
“Ok na talaga ko ng ganito.” Nag kamot ito ng ulo niya na parang bata na nahihiya. “Hindi kasi ako sa—” Bago pa niya ituloy ang sinasabi niya ay hinila ko na siya papuntang optical shop. Dami pang satsat, hindi naman siya yung nahihirapan pag dating sa school kapag lagi sya binubully! Agh!
Simula kasi ng mag transfer ako sa school niya ay hindi ko magawang hindi magalit sa tuwing binubully siya. Ayoko kasi ng ganun. Oo, may pagka bully din ako sa kanya minsan pero, iba kasi kung mangbully yung mga classmates namin eh. Kaya ayun, kahit na sabihin ni Amber na wag ko na lang silang patulan ay hindi ko pa din magawa.
Nang makarating kami sa optical shop ay pinagawan nila ng contact lens si Brian. Sabi kasi nila, mas bagay sa kanya yung walang salamin. Maganda daw kasi ang mga mata nito, may pagka singkit siya pero bagay sa kanya. Di ako umangal ng sabihin nila yun, nakita ko na kasi siya na walang salamin at di ko itatangi na mas lalo siyang nagkaroon ng appeal sa akin. Hey, hindi ibig sabihin nun ay nagkakagusto na ko sa kanya ah!
Nang mabili namin yung lens ay dumiretso naman kami sa salon para pagupitan siya. Mejo mahaba din kasi ang buhok niya, buhaghag pa yung ayos nito. Binawasan nung taga-gupit ng konti yung buhok niya at binaba ang ayos nito.
Pag katapos namin sa salon ay kumain muna kami ng lunch at tyaka, pumunta sa department store para bilhan ng mga bagong damit si Brian. Hindi naman sana kami bibili eh, kaya lang ng makita ni Amber at Ena yung mga damit niya ay nag bago ang isip ng mga ‘to. Ang ko-corny daw ng syle ng mga damit ni Brian eh. Hinayaan ko na lang na sila yung mamili dahil model naman sila, mas may alam naman sila kaysa sa akin pag dating sa mga ganyang bagay.
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomanceSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...