ZOE's POV
“WAAAH! Kuya Brian! Ate Zoe!!” Agad na lumapit sa amin si Mika ng Makita niya kaming bumaba ng sasakyan. “Akala ko, hindi na kaya makakapunta eh.” Nag-pout ito at kunwari ay nagtatampo sa aming dalawa.
“Pwede ba naman yun? Eh di, binulabog mo yung bahay namin kapag hindi kami pumunta.” Sagot ni Brian sa kanya.
“Tala—” Napahinto ito sa pag sagot ng mapansin niya yung tatlo naming kasama na nakatayo sa likuran namin. “Ate Ena! Ate Amber! Kuya Nicko!” Lumapit ito sa kanila. “Buti na lang at sumama kayo, marami na kaming makakalaro!”Ngumiti ito sa kanila at hinila sila para pumasok sa orphanage. Pero, bago pa sila makarating sa pinto ay huminto si Mika at binalikan ako.
“Ate Zoe!” Naka-ngiting yaya nito sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Tara na!”
“Um…” Agad niya kong hinila at sumunod kila Ena na nag hihintay sa amin sa loob ng orphanage.
“Ate Sky! Andito na sila Ate Zoe!” Ngumiti si Ate Skya sa amin ng makita kami at tyaka lumapit.
“Akala ko hindi kayo makakapunta eh. Kumain na kayo.” Yaya nito sa amin. “Kumuha na kayo ng pagkain niyo, hahanapan ko lang kayo ng bakanteng upuan.”
“Salamat Ate Sky.” Tumango lang ito at umalis na.
“Talaga bang lagging nag cecelebrate si Mika dito?” Tanong ni Amber.
“Oo. Simula kasi nung nagka-isip si Mika, lagi na siyang sinasama ni Ate Sky dito sa tuwing pumupunta siya kaya malapit siya sa mga bata dito. Sila lang din ang tinuturing na kaibigan ni Mika.”
“Wala ba siyang kaibigan sa school?” Tanong ko. Umiling ito at kumuha ng salad.
“Ayaw kasi ni Mika sa ugali ng mga classmates niya. Alam niyo naman ang kadalasang ugali ng mga mayayaman diba?”
“Mala Mitch witch lang baa ng ugali??” Tanong ni ulit ni Amber habang kumakain ng chicken fillet.
“Mitch witch?” Pagtataka naman ni Ena.
“Oo, si Mitch. Yung Witch na walang ibang ginawa kundi ang bullyhin si Brian.”
“Pff—Talagang nilagyan mo ng witch ah.” Natatawang sagot naman ni Nicko.
“Sinubukan ko lang, baka kasi tumawa si Zoe sa joke ko eh.”
“So, joke pala yun?” Hirit naman ni Ena.
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomansaSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...