ZOE’s POV
“…oe!” Yung boses na yun…
“Zoe!” Gusto kong imulat yung mga mata ko dahil alam kong nag-aalala siya sa akin pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin.
“Zoe!”
“ZOE! GISING!” Pag mulat ng mga mata ko ay siya agad ang nakita ko at makikita mo sa mga mata niya na nag-aalala siya. Umupo ako tyaka hinawakan siya sa pisngi.
“Anong nangyari?” Tanong ko rito. Narinig ko naman siyang nag buntong-hininga tyaka isinandal niya yung nuo niya sa balikat ko.
“Akala ko hindi ka na gigising eh.” Itinulak ko ito at tiningnan ng masama.
“Baliw ka ba?! Gusto mo na ba akong patayin, ha?!”
“H-hindi… K-kasi… Ayaw mong magising eh, binabangungot ka ata.”
“Tss. Gumising na nga ko diba?” Tumayo ako at kinuha yung uniform sa cabinet ko. “Mag-ayos ka na, baka ma late pa tayo.”
“Opo!” Naka-ngiting sagot niya tyaka lumabas ng kwarto ko. Ako naman ay pumasok na ng CR para maligo. Inaantok pa ko. Tss.
Ang weird ng panaginip ko. Nasa isang nasusunog na bahay ako, hindi ko alam kung kaninong bahay iyon dahil hindi ko na makita ng malinaw yung paligid. Tapos, may isang bata babae sa gitna ng apoy… Sa tingin ko, nasa 1 to 2 years old yung bata na yun. Naka-upo siya, umiiyak ito habang tumatawag ng ‘Mama’. Lalapitan ko na sana siya kaya lang biglang may bumagsak na nasusunog na kahoy sa harapan ko kaya napaatras ako at pag tingin ko, wala na yung bata sa pwesto niya. Hinanap ko ito pero iba na ang nakita ko… Yung sarili ko habang naka-upo sa isang gilid at umiiyak habang naghihintay ng tulong.
Apat na araw na nga akong hindi nakakatulog ng maayos eh. Kapag nagigising ako ng dahil sa panaginip ko ay hindi na ko makatulog ulit dahil baka yun nanaman ang mapanaginipan ko o kaya baka pag gising ko ay nasusunog na ulit yung paligid ko. Nag-aalala na nga sila Brian sa akin eh, kasi hindi pa ko nakakapag pahinga ng maayos.
“Zoe?” Napa-tingin ako sa kamay ni Brian na iwinawagayway niya sa harap ko. “Baba na tayo?” Nasa school na pala kami. Bumaba na ko ng sasakyan pero parang ayaw ko pang pumasok. Natatakot ako na bigla na lang ulit mag kasunog at maiwan ako mag-isa sa loob. Sigh. Narinig kong umalis na yung sasakyan at eto pa rin ako, ayaw gumalaw ng mga paa ko.
“Wag kang matakot,” Napa-tingin ako kay Brian ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Naka-ngiti siya sa akin. “Hindi kita iiwan mag-isa.” Napa-ngiti na lang rin ako sa sinabi niya sa akin. Pano kasi, kung makapag salita ng ganyan akala mo hindi isip bata eh. Hindi pala iiwan ah?
“WELCOME BACK!!!!” Napa pikit ako ng mag paputok sila ng party popper. Lahat ng classmates ko ay nasa harapan namin at naka-ngiti sa akin. Simula kasi nung nangyari sunog sa H.E room ay hindi muna ko pinapasok ng mga teachers para daw makapag pahinga ako.
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomanceSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...