ZOE's POV
"Agh!" Binitawan ko yung hawak kong gitara at ginulo yung buhok ko. "Ayoko na!" Tatlong oras na kaming nag papractice para sa talent namin. Pinilit ako nila Ena na kumanta at mag gitara dahil marunong din naman daw ako. Si Brian naman ay mag be-beat box at kakanta din. Ayoko talaga sana, kaya lang, yun lang yung talent na pwede naming gawin pareho.
"Kaya mo yan Zoe."
"Psh. Hindi ko nga maalala yung sunod na lyrics eh." Sagot ko kay Brian. Palibhasa kasi, sanay sila na tumugtog sa madaming tao. Samantalang ako, ang nakakarinig lang sa akin kumanta ay yung apat na sulok ng inuupahan kong bahay noon. Agh! Sumasakit na talaga yung ulo ko ng dahil dito.
"Hay!" Napa tingin sila sa akin ng mag buntong hininga ako. "Bibili lang ako ng juice." Lumabas na ko ng room at sinundan lang nila ako ng tingin.
Hay! Pag natapos talaga itong pageant mag papahinga ako ng bongga! Isang gabi lang naman yung pageant pero ilang araw akong pagod dahil sa mga practice na yan. Tss.
"Ate, isa nga pong smart c lemon." Pag abot sa akin nung smart c ay biglang may kumuha nito.
"Isa nga pong mineral yung hindi malamig." Tiningnan ko yung walang hiya na kumuha ng smart c ko.
"Kakanta ka sa pageant diba? Hindi ka pwede ng malamig o kaya juice. Eto na lang sayo." Iniabot niya sa akin yung mineral water tyaka umalis.
"Ang epal niya." Tiningnan ko yung mineral na bigay niya at ibinalik sa ale. Ayoko nga inumin yun, baka mamaya nilagyan nila ng lason yun. Kamag-anak pa naman ni Lucifer yung mag pinsan na yun. Tss.
"Akala ko bumili ka ng juice?" Tanong sa akin ni Ena ng makabalik ako.
"Di na, kinuha kasi nung bwisit na Allen na yun yung binili kong smart c tapos pinalitan ng mineral." Iritang sagot ko kay Ena.
"M-may iba pa ba siyang ginawa sayo?" Nag-aalalang tanong ni Brian.
"Wala." Umupo na ulit ako tyaka kinuha yung gitara kay Amber para mag practice.
"So, La, Di, Da, Di, Di.."
"Mali!" Napa hinto ako ng biglang sumigaw si Amber. "La, da, di, da, di, dapat yun." Aish! Nakakalito naman kasi 'tong kanta eh! Bakit kasi ito yung napili? Tss. Inulit ko mula sa umpisa at ayun, tumama naman ako sa part na yun. Kaya lang, nakalimutan ko yung sunod na line kaya napa ulit nanaman.
Brian: It's our party. We can do what we want to
It's our house. We can LOVE who we want to!
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomanceSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...