Chapter 29: Christmas: Ena and Nicko

176 10 0
                                    

ENA's POV

"Hanggang ngayon nasa in denial stage ka pa din?"

 

"Asa! Sige na, tatawagan ko pa si Amber."

 

"Sige na, baka kasi magalit pa yung boyfriend mo sa akin kasi inaagaw ko yung time mo para sa kanya."

 

"ZO—!" Agad na inend nito yung call. Pambihira, palibhasa alam na niyang aasarin ko din siya kaya binaba agad eh. Tss.

"In denial stage pala ha." Naka smirk na sabi ni Nicko habang nag dadrive ito.

"Shut up." Binalik ko yung tingin ko sa labas ng bintana. "Mag drive ka na lang dyan baka mabangga pa tayo." Asar na paalala ko dito.

"Wag kang mag-alala, pag nabangga tayo, ikaw ang uunahin kong iligtas." Agad akong napa tingin sa kanya ng masama ng marinig ko yung sagot niya. Tumawa lang ito.

"Anong nakakatawa?"

 

"Halata kasi sa mukha mo na ayaw mo kong mawala." Blush.

 

"Ewan ko sayo."

Badtrip. Bakit ba andali lang sa kanya na sabihin yung mga ganung bagay? Tsk. Unang ililigtas kapag nabangga kami? Impossible. Hindi ako naniniwala sa ganun. Syempre, alam ko naman na mas uunahin niya yung sarili niya kaysa sa akin.

Muli kong tiningnan yung cellphone ko at naisipang tawagn ulit si Zoe. Pero bago pa mangyari 'yon ay kinuha ni Nicko sa akin yung phone ko at binulsa ito.

"Hey! Ibalik mo yng phone ko!"

 

"Ayoko." Sagot nito.

"Ha? Kailangan ko pang kontakin si Zoe kaya ibalik mo na sa akin."

 

"A-yo-ko. At hindi mo na kailangan pang kontakin si Zoe."

 

"At bakit naman?" Pagtataray na tanong ko dito.

 

"Kasi bago mo pa siya tawagan kanina, nauna na kong mag paalam sa kanya. Tinanong ko siya kung pwede ba kitang masolo ngayong Christmas at pumayag siya."

 

"What?!"

 

"Tinanong ko din siya kung pwedeng hindi mo muna siya kontakin sa oras na magkasama tayo at pumayag din siya."

 

HA?! Langya, pinagkaisahan ako ng dalawang 'to! Pumayag si Zoe na isama ako ng mokong na ito ng hindi man lang nagtatanong sa akin?! Tapos hindi ko din mahahawakan yung cellphone ko habang kasama ko siya?! Pano kapag tinawagan ako ni Papa?!

"Alam kong hindi ka papayag na sumama hangga't hindi siya pumapayag pero narealize ko na hindi ka pa din sasama sa akin kahit na pumayag si Zoe kaya ginawa ko ito." Ngumiti ito sa akin at inihinto yung sasakyan sa tapat ng isang hotel.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon