NOTE: Madaming errors, hindi ko na naiedit. :3 ENJOY~ <3
-----------
MIKA’s POV
Hi! Ako nga po pala si Mikaela Gonzales! 7 years old pa lang po ako at kasalukuyang nakikitira kay Kuya Brian. Wala kasi si Ate Sky dahil may business trip siya at hindi niya ako pwedeng isama. Kadalasan kasi na may business trip si Ate ay kasama niya ako lagi dahil ayaw niya daw akong iwan sa ibang tao. Minsan nga, kahit kamag-anak na namin ay ayaw na niyang pagka tiwalaan eh. Tanging kay Kuya Brian niya lang ako iniiwan kapag hindi talaga ako pwedeng sumama.
Si Ate Sky na lang yung family ko dito, ilang taon pa lang ako ng mawala si Mommy, si Daddy naman, nasa tyan pa lang daw ako ni Mommy ng mamatay ito kaya tanging sa picture ko na lang siya nakikita. Minsan nga naiinisip ko, masaya kaya magkaroon ng Daddy? Ano kaya yung nararamdaman ng mga bata sa paligid ko kapag kasama nila yung mga daddy nila?
Nung makilala ko yung mga bata sa orphanage, nalaman ko na hindi pala lahat ng bata ay masaya sa mga daddy nila. Dahil hindi lahat ng Daddy ay mabait.
“Gusto ko magkaroon ng Daddy!” Kwento ko sa mga batang kalaro ko doon habang hinihintay ko si Ate Sky. Nasa office kasi ito ng orphanage dahil pinag-uusapan nila yung tungkol sa 6th birthday ko. Nag kukwentuhan kami tungkol sa mga parents namin ng mga oras na yun. Yung story ng iba, baby pa lang daw sila ay dinala na sila sa ampunan. Yung iba naman, mismong parents nila yung nagdala sa kanila dito at yung iba ay naulila na.
“Hindi masayang magkaroon ng tatay.” Sagot sa akin ni Fresca na naka-upo lang malapit sa amin. Bago lang si Fresca dito sa ampunan, isang buwan pa lang ata ng mapunta siya dito? Tapos lagi niya akong iniiwasan at ayaw niyang makipag salamuha sa amin.
“Bakit naman? Sa tingin ko, masayang magkaroon ng Daddy.” Sagot ko naman. “Ah! Alam niyo ba, si Kuya Brian, sabi niya pwede ko daw siyang maging daddy!”
“Pwede lang, pero hindi mo pa din siya tatay.” Hirit ulit ni Fresca. Tumingin ako sa kanya, galit yung expression niya.
“Ayaw mo bang magkaroon ng tatay?” Tanong ko.
“Ayoko! Dahil walang kwenta ang lahat ng tatay!” Sigaw niya sa akin. Lumapit ito sa akin at bigla akong tinulak. “Wag mong pangarapin na magkaroon ng tatay! Dahil masama sila! Wala silang pakialam sa mga anak nila!” Umiiyak na ito habang sumisigaw. Tumayo ako at hinarap siya.
“Kahit na, gusto ko pa din magkaroon ng Daddy. Hindi ko naman malalaman yun kung hindi ko marara—”
“TUMAHIMIK KA!!” Hinila nito yung buhok ko kaya muli akong napa upo sa lupa. “WALA KANG ALAM KAYA NASASABI MO YAN!” Hawak-hawak pa din niya yung buhok ko.
“ARAY! FRESCA TAMA NA!”
“GUSTO MONG MARANASAN NA MAGKAROON NG TATAY?! IBIBIGAY KITA SA TATAY KO PARA MALAMAN MO!!” Patuloy siya sa paghila ng buhok ko. Hindi naman ako makalaban kasi naka-upo ako, yung iba naman naming kasama na mga bata ay hindi makalaban dahil takot sila kay Fresca.
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomanceSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...