Chapter 32: Groups

245 13 0
                                    

Pag bukas ko ng locker ay may nalalaglag na isang familiar na papel. Agad kong pinulot ito bago pa may makakitang iba at binasa ang laman nito. Ilang araw na ang lumipas simula ng may nagbigay sa akin ng sulat sa shop noong kasama ko sila Ena. Pagkatapos nun ay hindi na ko muling nakatanggap kaya binali wala ko na lang yung mensahe na nakasulat doon. Pero mukhang mali yung naging desisyon ko.

I'm always watching you. Same font and color kaya alam kong sa iisang tao lang nang galing ito. Pero paano niya nalaman na dito ako pumapasok at pati yung locker ko? Tch. Binalik ko yung papel sa loob ng locker at kinuha yung p.e uniform ko para magpalit.

-x-x-x-x-x-

Buti na lang at nauna na sila Ena sa basketball gym dahil kung nakita nila yung sulat siguradong pagbibintangan nanaman nila si Mitch. Siya lang kasi yung alam nila na galit sa akin dahil kay Brian. Well, alam kasi nila Ena na gusto niyang agawin ito sa akin pero hindi naman niya siguro magagawa iyon diba? Agh! Sige na, aaminin ko na! Nung mabasa ko yung sulat kanina, naisip ko na baka nga si Mitch ang may gawa nun kasi umabot hanggang dito sa school. Pero possible namang hindi diba? Pero paano ko malalaman—nabaling yung pansin ko sa lalaking nakita ko sa canteen. Siguro pwede kong iconfirm sa kanya? Syempre kung si Mitch yung mismong tatanungin ko ay impossible na mag sabi siya sa akin ng totoo.

"Isa nga pong smart c lemon."

"Dalawa na po." Hirit ko bago kumuha yung tinder.

"Yo." Bati sa akin nito ng makita niya ako at syempre hindi mawawala yung ngiti niya.

"Allen," Huminga muna ako ng malalim bago ako mag salitang muli. "may gusto akong itanong sayo tungkol kay Mitch."

"Don't tell ma natatakot ka sa kanya?" Tanong nito at umalis. Kinuha ko yung smart c ko at binayaran bago sumunod sa kanya.

"Hindi ako natatakot sa kanya. May gusto lang akong malaman."

"Tungkol saan?"

"Gaano mo kakilala si Mitch?" Tiningnan niya ko saglit bago sumagot.

"Kilalang kilala. Mula sa bad sides hanggang sa good sides niya." Good sides ah? Meron pa kaya siya nun? Never mind.

"Sa tingin mo ba kaya niyang pagbantaan ang buhay ng isang tao?" Direktang tanong ko sa kanya. "Hindi ko siya pinagbibintangan... gusto ko lang maka sigurado na hindi niya kayang gawin iyon." Pagpapaliwanag ko bago pa siya magalit sa tanong ko.

"Kahit na ganoon ang ugali ni Mitch, hindi niya magagawa ang ganyang bagay." Seryosong sagot ni Allen.

"Thank you."

"May nagbabanta ba sa buhay mo?" Nagulat ako sa tanong niya kaya tiningnan ko siya. Huminto ito sa paglalakad at naka tingin din sa akin.

"H-ha? S-syempre wala."

"Liar." Lumapit siya sa akin. "Hindi ka magtatanong ng ganung bagay kung walang nagbabanta sa buhay mo."

"Ha? Inaalam ko lang kung ano ang mga kayang gawin ni Mitch." Pagpapalusot ko at naglakad ng muli.

"Zoe." Hinawakan niya yung braso ko para pigilan ako. Sigh. Fine. Sasabihin ko na sa kanya para tumigil na siya.

"May nagpapadala sa akin ng letter at base sa laman nun ay pinagbabantaan niya ako at kaya ko tinanong sayo yun kasi gusto kong malaman kung kanino galing iyon. Allen, wala sanang ibang makaalam ng tungkol dito."

"Alam ba nila Brian ang tungkol dito?" Umiling ako bilang sagot sa kanya.

"Ayokong ipaalam sa kanila kaya wag mong sasabihin."

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon