Chapter Forty-Nine

122 2 0
                                    

POV: Angela

"Ahh!" nasigaw ko after naming lumabas ng room ni Jaspher matapos ang halos limang oras ng exam. 

"Ang saya mo ata?" nakataas kilay na tanong niya sa akin. Ano naman kung masaya ako, siya ba hindi? Hindi siya masayang natapos na namin yung nakakadugong exam na yun?

Tiningnan ko siya ng masama. "Kasi naman natapos na natin ang entrance exam na yun. Atleast ngayon, makakapagpahinga na tayo ng maayos. Ahh! Namimiss ko na ang kama ko!" nag-unat unat pa ako sa harap niya.

Napaupo na siya sa isang bench habang ako sige pa rin ang unat habang nakatayo. Sobra kayang nakakangawit na sa test paper at test booklet ka lang nakatingin sa ilang oras na pinrovide sa amin.

"May final exams pa kaya tayo..." umismid lang siya sa akin.

Ano bang problema nitong lalaking ito?

"Pero hindi na ganun kahirap. Kahit hindi ka sobrang magpuyat, makakaya pa rin naman sagutan lahat yun." napaupo na ako sa tabi niya.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Saka siya sumandal sa bench at tumingin sa akin. "Confident ka sa naging exam natin ngayon noh?"

Pinantayan ko rin ang tingin niya. Nag-isip ako. "Hmm? 50-50." 

Tumango siya sa sinabi ko. "Ikaw ba?" pagbalik ko rin ng tanong.

Huminga ulet siya ng malalim. "75-25" tipid niyang sagot.

Tingnan mo nga ito, mas confident pa nga ata sa akin ehh, pero hindi man lang sumaya.

"Tara na nga, nagugutom na ako. Libre mo ako ahh." bigla niya namang pagbago sa naging usapan namin. 

Bago pa man ako makaangal, hinigit niya na agad ako kung saan.

May hindi sinasabi itong Chua na ito ehh. Ano kayang gumugulo sa kanya ngayon? Hmm?

--

"Kumusta ang exam?" salubong sa akin ni Mama nang makarating ako ng bahay. Nakaupo siya ngayon sa sofa at may inaayos na ilang resibo doon. Pati ilang bills.

Napaupo ako ng komportable sa isang upuan katabi ng sofa namin. "Maayos naman po. Nakakangawit pero natapos naman po agad bago pa mag-time."

Tumango siya sa sagot ko. "Kumain ka na ba? May ulam diyang natatakpan, kumain ka na lang. Nauna na ako kumain, hindi rin kasi ako nakapag-lunch kanina." sinabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Matutulog na po ako Ma, nakakain na rin naman po ako ehh." tumayo na ako at humalik na rin sa pisngi ni Mama. "Goodnight po!"

Binigyan niya rin naman ako ng atensyon bago pa man bumalik ulet sa ginagawa niya.

Bago pa man ako tuluyang dalawin ng antok, naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone ko. 

Hindi ko yun binubuksan simula pa kanina. Busy sa exam tsaka nakaligtaan ko rin kasing magbasa ng mga mensahe doon kaya ngayon ko na lang ulet nasilip.

May ilang message mula kay Mama, kay Matthew, pati si Kuya Jon na ang tanging pag-goodluck sa akin ay sinabi pa ni Ate Kristen. Iba rin dun puro group messages mula sa mga kaklase kong excited naman sa prom next week. May mga messages din si Luga doon. Isa na nga dun ay yung recent na nagtext.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon