Chapter Thirty-Nine

102 11 0
                                    

POV: Angela

"Pa, ano pong ibig sabihin ng pwedeng manligaw?" natanong ko kay Papa na abala sa pag-aayos ng isang kotseng medyo bago pa ang itsura.

Kakagaling ko lang ng school. Sabado bukas kaya magpapahinga muna ako sa nalalabing oras ng Biyernes.

Bumaba ako mula sa kwarto ko. Nakita ko si Mama na busy sa paghahanda ng meryenda ni Papa. Nag-alok ako ng tulong. Kaya pinadala niya na lang sa'kin yung isang tray na may lamang monay at juice. Inilagak ko lang yun sa isang tabi nang sumenyas si Papa na mamaya na lang daw niya yun kakainin.

"Pwedeng manligaw. Parang palihis na tanong ng 'pwede ba kitang maging kasintahan'." paikling sagot ni Papa na nakakunot ang noo sa bawat pagbigkas niya ng salita.

Tumango na lang ako kahit medyo malabo talaga. Umupo muna ako sa isang tabi at pinagmamasdan lang siyang nag-aayos ng makina.

"Ehh ano po bang ginagawa pag nanliligaw o nililigawan ka?" dugtong ko muli

Biglang umupo sa tabi ko si Papa na abala sa pagpupunas niya ng kamay na puno ng grasa. Bumuntong hininga siya. "Sa aming mga lalaki, malimit naming ginagawa, binubuhat ang lahat ng dalahin ng nililigawan namin. Lagi kaming nakaabang sa kanya pag tuwing papasok o uuwi na siya galing ng school. Kung minsan, nanlilibre. Lahat ng pwede naming maisip na ikatutuwa ng babae o ma-aapreciate niya kahit papano."

Hindi ako nagbigay ng isang reaksyon. Nakatingin lang ako kay Papa na lumagok na ng isang basong juice.

"May nanliligaw na ba sa'yo, ha, anak?" natanong niya bigla na siyang nagpa-iwas sa'kin ng tingin ko mula sa kanya.

Sandali akong hindi nagsalita.

"Angela?"

"W-wala po Pa ahh. Bata pa po kaya ako tsaka pakialam ko ba sa kanila. Studies po muna." pautal kong nasagot, iwas pa rin ang tingin.

Narinig ko siyang tumawa. "Bakit defensive ka masyado? Meron o wala lang naman ang isasagot mo."

Hindi na ko naka-angal pa. Ngumiti na lang ako ng pilit.

Umakbay sa'kin si Papa, "Hindi naman masama ang magpaligaw. As long as alam mo ang priorities mo. Hindi naman natin maiiwasan yan. Kumbaga, natural lang yang ganyang mga bagay, lalo na't nagdadalaga ka na."

Buong gabi sa'king tumatak yung huling sinabi ni Papa. Nagdadalaga na ba talaga ako?

Kanina habang naglalunch kami ng ilang mga kaklase kong babae, biglang lumapit sa'kin si Ian - ang escort sa klase namin. 

"Angela, pwede ba kitang makausap?" nakayuko niyang tanong sa'kin.

"Pwede mo naman akong kausapin ngayon. Hindi pa kasi ako tapos kumain ehh. Ano ba yung sasabihin mo?" parang walang gana kong sagot sa kanya.

"Oo nga naman, Ian. Kaklase mo rin naman kami, bakit kailangan pang maglihim. Pwede mo namang sabihin din sa'ming gusto mong magpatulong sa assignment, atleast makakapagbigay din kami ng tulong di ba?" pabalang namang sagot ni Janice na panay ang salita kahit puno ng tsitsirya ang bibig niya.

Napangiti ako sa sinabi ni Janice habang sila naman, halos humahalakhak na. Tumingin ako kay Ian na napasimangot sa nasabi niya.

"Excuse me muna girls ahh, balik din ako. Kakausapin ko lang muna si Ian." nakangiti kong paanyaya sa kanila. Agad rin naman silang pumayag kaya hinigit ko na rin ang kamay ni Ian palayo.

Napadpad kami sa isang malaking puno. 

"Ano bang gusto mong sabihin?" natanong kong muli.

Tumitig siya sa'kin at saka may inabot na kapirasong papel. Kinuha ko iyon sabay karipas niya naman ng takbo. 

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon