Chapter Forty

99 11 0
                                    

POV: Angela

Five months nang nanliligaw sa'kin si Jaspher. Mukhang tama yung sinabi ni Matthew. Kahit na may sumusuyo sa'kin, may nagpapakilig sa'kin, di ko pa rin maiwasang isipin na sana si luga yun.

"Kailan mo ba ko sasagutin?" napatanong ni Jaspher nang makalabas na kami ng academy. Pang-ilang tanong niya na sa'kin yan. Simula pa last week.

Napatahimik ako sandali. Hindi ko alam kung ano pa bang dahilan ang ibibigay ko sa kanya. Gusto ko siyang sagutin na, yun yung dinidikta ng isip ko pati konsensiya ko pero pumipigil 'tong puso ko.

"Hmm? Mangyayari din yun." nasagot ko na lang, kahit hindi naman yun nasagot  ang tanong niya.

Huminga na lang siya ng malalim at saka umiling-iling. "No matter what your decision is, hihintayin ko. Sana nga lang malapit na."

Kinabahan ako sa last na statement niya. Kailan ba yung malapit? Bukas, mamaya o ngayon na mismo?

Ngumiti na lang ako. Hindi na rin naman siya nakadugtong pa. Inalalayan niya na lang ako sa pagsakay ko sa jeep.

Hindi na siya sumunod sa'kin. Kahit nakakalayo na ang jeep, sige pa rin ang pagkaway niya. 

--

Nang makauwi ako sa bahay, nanatili muna ako sa kwarto ko.

Ano bang pumipigil sa'kin para sagutin si Jaspher. Napatunayan na naman niya na totoo yung intensyon niya sa'kin. Mabait rin naman siya, matalino pa. May itsura rin. Napapangiti niya ko gaya ng nagagawa ni luga. Lahat ng pre-love condition ko kay luga nun, nararamdaman ko rin sa ginagawa ni Jaspher ngayon. Pero bakit hindi ko talaga magawang masabi sa kanya yung isang word na yun? Yes lang naman, pero ang hirap sobra. 

Kung No naman, sobrang hirap pa rin. Inabala ko siya ng ilang buwan tapos yun lang yung matatanggap niyang sagot? Kahit na ba sabihin niyang okay lang talaga, nakakakonsensiya kaya. Sobrang hirap naman neto.

"Angela?" pagkatok ni Mama.

Nagkunwari akong nagbabasa ng libro. "Ano po yon Ma?"

Umupo siya sa kama ko at nagpakawala ng isang ngiti."Wala naman. Ikaw may gusto ka bang sabihin?" 

Nagulat ako sa tanong ni Mama. Nabasa niya kaya yung mga kilos ko? O di naman kaya naririnig niya yung mga iniisip ko lang?

"Wa-wala naman po Ma. Wala naman pong problema sa studies ko atsaka okay naman po tayo di ba? Lumalago naman yung business natin. Kaya okay lang po ako." palusot ko sa kanya. Nakatitig lang ako sa librong hawak ko kahit hindi ko naman talaga binabasa yun. Hindi ko kayang tumingin sa mga mapanuring mata ni Mama.

Naaninag ko ang pagtango ni Mama. Tumayo na rin siya at tumungo na sa may pintuan. Bago pa man siya makalabas, agad rin siyang nagsalita, "Kung ano man yang bumabagabag sa'yo, pwede mo namang sabihin sa'kin. Hindi nga siguro ako katulad ni Papa mo pero ako pa rin ang Mama mo. Mas maiintindihan ko kung ano man yan dahil babae rin ako."

Ngumiti ako kay Mama. Na-disaapoint ko ata siya sa pag-ngiti kong yun. Ngumiti na lang din siya pabalik.

Jaspher, pwede ba kitang makita bukas? Sa may park na lang. May sasabihin lang akong importante.

Go Angela! Kailangan ko nang sabihin sa kanya, para hindi na rin ako maguluhan pa.

Nag-reply din naman siya kaagad.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon