Chapter Fifty-Three

152 2 0
                                    

POV: Angela


CONGRATULATIONS!!!


Yan ang kanina ko pa naririnig simula pagkagising ko. Sa pag-alis namin ng bahay, during the graduation proper, hanggang sa handaan na isinagawa ni Mama ngayon sa bahay. Pulos yan lang ang naririnig ko sa kanila, puro 'thank you' rin naman ang nagiging kasagutan ko.


"You really are lucky Christine! Maganda na, matalino pa ang anak mo." puno ng pagmamalaki ang boses ni Tita Marie pero panghihinayang lang na mukha ang nakikita ko sa kanya. Saka siya nagbigay ng ngiti sa'kin. "Congratulations, hija! I'm so proud of you!"

"Thank you po Tita." nasabi ko na lang. "Asikasuhin ko lang po ang ibang bisita."

Iniwan ko na rin sila sa may dining area habang nagkekwentuhan. Si Tito Brad naman, may nahanap na makakausap na naging business accompaniment niya noon. Actually, nilang dalawa ni Papa. Si Mia naman, busy pa daw mag-malling. But she'll be here bago pa man matapos ang party. Sana lang alam niya kung anong oras matatapos ahh...


"Angela! Happy Graduation!" biglang yumakap sa'kin si Ate Kristen nang makapasok na sila sa bahay. Kararating lang siguro nila. "Congratulations!" binigyan niya ako ng ngiti matapos bumitiw sa pagkakayakap sa'kin.

"Salamat po!" nangiti na rin ako.

"By the way, here's our gift. Sana magustuhan mo."

Inabot niya sa akin ang isang paper bag which by the cover, says, ang laman ng box na yun ay isang branded na damit. Minabuti ko na muna na wag nang tingnan ang laman. Nagbigay na lang ulet ako ng pasasalamat.

"Kumain po muna kayo. I'm sure nagutom kayo sa byahe. At Kuya Jon, hinay hinay lang sa lechon ahh." napatawa na lang sila sa huling sinabi ko.

"Noted, Angela!" masayang tugon lang din niya.


Ilang mga kaklase at kaibigan ko ang nakasalamuha ko nang dumating naman sila Matthew.

"Angela!" sadyang sumigaw pa talaga siya kahit nakita na niya ako at halos katapat ko na lang rin naman siya.

Napasakop tuloy ako sa tenga ko sa pagsigaw niyang yun.


"Anyway, this is Angela, ang graduate at Valedictorian sa batch niya." pagpapakilala niya sa'kin sa katabi at kasama niyang babae. Parang nakita ko na siya. Somehow familiar. Di kaya siya ang hinabol ni Matthew noon nang ayain niya ako sa lunch dahil may sasabihin daw siya sa'kin?

"Angela, this is Nathalie." inabot ko naman ang kamay ko sa nakalahad na kamay ng babae. "My new 'mine'" nabulong niya pa sa'kin at halatang-halata naman ang pagkakilig niya sa nasabi niya.

"Congrats ahh! Pagpasensyahan mo na itong naihanda kong regalo. Bigla na lang kasi akong hinila ni Matthew sa shop namin. Yan lang tuloy ang nabili ko." I saw a box of watch nang inabot niya sa'kin ang regalo niya.

"Ehh kasi, nakalimutan mo na may pupuntahan tayo. Pinaalala ko pa nga no'ng gabi di ba? Still, kinalimutan mo pa rin." paninisi pa ng loko sa kasama niya.

"Oo na. Masyado lang akong maraming ginawa kaya nawala sa isip ko." pang-irap na lang rin sa kanya ni Nathalie. "Pasensya na talaga." ngumiti na lang siya sa'kin.

"Okay lang yun. Salamat din dito." ngumiti din ako.

"Eto naman ang regalo ko." saka nag-abot sa'kin si Matthew ng tatlong librong naka-ribbon lang. I think it's a trilogy kaya tatlo. "Basahin mo ahh. One of my favorite authors ang gumawa niyan."

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon