Chapter Twenty-Nine

116 14 0
                                    

POV: Angela

"Are you sure, wala kang ibang gagawin? Baka naman nakakaistorbo na kami." bulalas ni Tita habang maayos na dinedecorate ang three-layered caramel cake na binake niya for Logan's graduation party (tinalo pa ang may kasal noh? anyways, caramel is Logan's favorite flavor in cake)  

"Tita naman, okay lang po yun noh. Besides, tapos na rin naman po ang exams namin ehh, yung medals na lang po ang kulang." pabiro kong nasabi while placing most of the baking materials used, in place after kong hugasan.

Napatigil siya sa ginagawa niya at saka tumitig sa'kin with her eyes wide open "Medals? Does it mean?"

Matapos kong malagay yung last na piece ng metal sa cabinet, I held up at her, and just smirk "Hehe.. well, hindi naman po sa pinapangunahan ko but I think I am."

"Ahh, congratulations darling... I mean, in advance." she blurted out at saka lumipat ng tingin kay Mama, with all the sighing thing "Ahh, Christine, you're so lucky."

"Hindi lang naman ako ang swerte Marie. Look at Logan, graduate na sa highschool, first honorable mention pa." nakangiti namang sagot ni Mama, she's currently putting the last layer of the cake out from the oven.

"Okay, we were such lucky mothers." pagsuko naman ni Tita, putting both of her hands up and released some kind of snort.

Well, Mama just smiled and continued on her work. "Speaking of Logan, nasan na nga ba siya?" she interrupted after a few minutes of silence in the kitchen.

"Ehh, nagpaiwan muna sa academy. Alam mo naman ang tradition every end of highschool..."

--

Prior to Logan-Gulaman friendship, nagkaroon muna ng Christine-Marie mother-to-mother friendship (obvious ba?)

--

"Hmm? Ma, Tita, aalis po muna ako sandali. May papabili po ba kayo?" pang-gulo ko naman sa naging usapan nila. Kailangan ko nang bumili ng regalo, the party will start soon.

"Actually, hindi pa nga ako nakakabili ng gift for Logan." nakasimangot na reply ni Tita. "Sa mall ka ba pupunta?" 

"Yes, Tita. Bibili pa nga lang din po sana ako ng regalo para kay Logan, pwede ko naman pong isabay yung ipapabili niyo." I gave her a warm smile.

"That's actually the problem, wala rin akong maisip kung ano bang pwedeng ibigay sa kaniya. Alam mo naman ang trip ng mga bata ngayon." paglipat niya ng tingin sa'kin tapos kay Mama (I really don't know how can she manage that, nakakahilo kaya yun). "Can you take it in charge na lang, iha?"

I stopped to think at saka nagsalita "Sure naman po. Is that all?"

"Yeah. Salamat ahh.."

"For you Tita, always. Ma?"

Bago pa man tuluyang mag-fade ang mga naririnig ko sa loob ng kusina...

"If I were to ask, sana yang dalawang yan na lang ang magkatuluyan."

"Malay natin, nagkaka-developan na sila."

"Sana nga!"

--

You heard it Logan? Pa'no ba yan, I have two accompaniments na. 2-0. 

 --

Sa mall...

 Ano kayang magandang iregalo kay Luga .. hmm?

Haiisst! Ang hirap namang mag-isip ng ireregalo. Wala na kong alam na gusto at gugustuhin niya pa ehh. Ang hirap na ngang mag-isip ng isa, nadagdagan pa, tsk. Hindi ko rin kasi matiis si Tita ehh. Well, it's the least I could do. Pero ano ngang bibilhin ko? 

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon