Chapter Seventeen

190 20 0
                                    

POV: Angela

DECEMBER 24, 2007

Three hours na lang, Pasko na!

I guess that's enough consideration para ma-enjoy ko ang araw na 'to.

Actually, naging masaya naman ako kahit papano. After the celebration of my birthday, everybody becomes so busy preparing for Christmas. 

At this point, unti-unti nang nagdadatingan ang mga kamag-anakan namin sa side ni Mama. Mas lalo pang dumami ang mga Christmas lights sa labas, at kahit sa loob ng bahay. Marami na ring mga regalong naka-display sa ilalim ng Christmas tree. Sa dami ng Christmas decorations, mafi-feel mo talaga ang Pasko dito. 

Marami na ring mga nakahain na pagkain sa may dining area. Equal yung hati ng Chinese and Filipino foods. Atleast, makakakain ako ng maayos at makakalasa din naman ng bago.

I'm able to meet my shushu (uncles), ayi (aunts), and biaomei (cousins). Most of them, Chinese language lang ang kayang gamitin in conversations pero I'm still able to understand them through those not included in 'most of them', and at the same time, natututo rin ako ng mga Chinese words.

Every part of the house is OCCUPIED. Damang-dama rin sa buong bahay ang saya ng holiday season, umaalingawngaw kasi ang individual voices ng lahat. Walang nagpapatalo, wala rin namang hindi nakikinig sa kwento ng bawat isa. Sa totoo lang, I want to join their busy, happy conversations kaso I just only met them today kaya obviously, out of place lang ako dito.

Ten more minutes to go. But I chose na lumabas muna ng bahay at pumunta sa garden. Mas na-feel ko lang siguro yung pagka-emotional ng lugar na kinatatayuan ko ngayon. With the same ambiance, pumasok tuloy sa isip ko si luga.

I still wonder kung okay lang siya. I want to hear the whole side of the story pero baka hindi pa siya ready. I'll just wait for the right time. 

--

"Angela, aren't you going inside?! Start na ng gift giving!" pagtigil sa'kin ni Ate Gabby na natayo sa may bandang gilid ko, malayo nga lang. (Sa sobrang puti niya, napagkamalan ko pa talaga siyang white lady kaya bigla na lang ako napaatras sa kinalalagyan ko nang makita ko siya. Sana lang hindi niya napansin!)

"Ahhm, okay po. susunod na lang po ako!" mabilis kong reply sa kanya. She just smiled at me signifying of her acceptance sa naging sagot ko.

--

Everything will be just fine... SANA.

--

 "Pa,

Pasensya na po kung ngayon na lang ulit ako nakapag-sulat sa'yo. Marami lang po inasikaso, lately.

 

I'm happy.

 

Naging okay naman po ang celebration ng birthday ko. It gets a little sad and tense lang when the party starts.

Masaya ako Pa kasi nag-break na sila. Am I bad? 

Ayoko naman po magsinungaling, but that's just what I feel. Masama na nga po ako siguro, but I'm just expressing what I'm feeling. Atleast, napapagaan po nito yung current events na nangyayari... 

 

Goodmorning Pa, goodnight na rin!"

 

...

 

"P.S. I'm able to meet them finally Pa. I hope you're happy and good about it. I'm stll coping, though. Pero kinakaya naman po.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon