Chapter Forty-Eight

116 2 3
                                    

POV: Angela

Mas lalo lang akong ginanahan na mag-review para sa nalalapit na exam namin sa Harvard. Siguro dala na rin ng inspired ako. Siguro nga, hindi dapat ako mag-rely sa sinasabi ni Matthew na may gusto na nga sakin si Luga. Pero, may mga possibility kasi na maaari ngang mangyari yun. Especially now, masyado lang kaming nagiging close.

Kahit busy ako sa pagrereview, nakukuha pa naming magbonding dalawa. Tulad ngayong araw na ito. Mamaya, may date kami. Well, friendly date pa lang ngayon.

Valentine's Day na ngayon. Pagkagising ko pa lang no'ng umaga, sumalubong na agad sa akin si Mama. Nagulat pa nga ako dahil may mga fresh red roses na nakalagay sa isang vase namin. Tapos may chocolate bars din na nakagitna sa may dining table.

"Happy Valentine's Day, anak!" ngiti ni Mama at saka pa ako hinalikan sa pisngi. 

Nagtaka ako sa mga nangyayari pero tinawanan ko lang yun. Maski rin naman noong buhay pa si Papa, lagi rin kaming may flowers ni Mama. Tig-isa pa nga kami ng chocolate bar, kung minsan mas malaki pa yung sa akin. Pero, pag sumapit naman ang gabi, sila ang magka-date na dalawa ehh. Ako lang naiiwan mag-isa sa bahay. Kaya doon din nauso yung usual date namin ni Logan. Nakikitakas rin kami.

"May dumaan kasi kanina sa tapat natin. Nasaktuhan ko yung nagtitinda ng mga roses, kaya yan." dugtong ni Mama nang makita niya akong nasisiyahan sa pag-amoy ng mga roses. 

"In love ka ba Ma?" natanong ko bigla. Hindi ko rin alam kung bakit ko naitanong yun. Wala lang, malay ko ba kung may nagpaparamdam na naman kay Mama ngayon. Kung meron nga, okay lang naman sa akin. As long as, sasaya si Mama. Okay na ako dun. Ganun rin naman siguro ang gusto ni Papa ehh, ang makitang sumaya si Mama. 

Nagulat na lang ako nang biglang tumawa si Mama. Parang hindi makapaniwala sa natanong ko. "Anak, masama bang mag-celebrate ng Valentine's na ikaw ang ka-date ko?"

Napangiti na lang ako doon. At the same time, napahinga ng maginhawa. Parang ayoko pa rin kasing mag-asawa si Mama ulet. Andun pa rin yung sapat na ako na kaming dalawa na lang ngayon. Masaya na naman kami ehh. 

"Alam ko naman kasing may ka-date ka ngayon, kaya sumingit na lang ako. Kahit ngayong umaga lang." yumakap na lang ako kay Mama. Naglalambing lang din siguro siya. Dahil magiging busy siya ngayon at isa pa, dahil sa susunod na mga taon, magiging mas lalo lang akong busy.

"Happy Valentine's Ma. Wag ka nang magtampo, ikaw pa rin naman ang best date para sa akin ehh." nag-puppy eyes pa ako kay Mama. Ngumiti na lang siya at hinayaan na akong umupo sa hapag-kainan. Halos isang oras rin kaming kumain ni Mama. Nagkwentuhan din at parang nag-date nga talaga. Nakwento ko na rin kay Mama yung about kay Logan.

Natuwa naman si Mama pero pinaalala niya rin sa akin na andyan si Jaspher. Pinayuhan niya ako na hindi ko siya dapat saktan dahil lang sa kadahilanang may gusto na sa akin si Luga. Tama naman si Mama ehh, at hindi naman ako masamang tao para gawin yun. Gaya nga ng sinabi ko nung umpisa pa lang. I love all the efforts na binibigay sa akin ni Jaspher and I don't want to waste those efforts, dahil lang sa isang bagay na matagal ko nang pinapangarap.

Kung kami nga talaga ni Luga, edi ang panahon na ang magtatakda nun. For now, kay Jaspher ako. Actually, mali nga yung ginagawa ko ehh. Para na akong nagtataksil. Kinikilig ako, patuloy na nagmamahal ng iba kahit andyan siya na boyfriend ko. Pero, hindi ko alam, nasisiyahan lang talaga ako sa mga parusang ito. Parusa na parang naging big blessing na.

"Tumawag ka sa akin kung anong oras ka makakauwi ahh? Maraming gagawin sa store ngayon kaya baka gabihin din ako." 

Sabay na kaming umalis ng bahay ni Mama. Naghiwalay lang kami ng sasakyan.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon