Chapter Fifty

93 2 0
                                    

POV: Angela

Araw na ng JS prom. Half day lang kami sa academy para sa last rehearsals sa magiging cotillion namin. After lunch, pinauwi na rin kami para makapaghanda na.

Everybody is excited, maski rin naman ako. Naalala ko tuloy yung parang ewan kong pag-eeksperimento sa sarili ko noong isang araw. Lalo na yung nakakaasar na itsura ni luga nang makita niya ko no'on.

"What's the color of your dress?" hindi ko naman sinasadyang makinig pero sobrang lakas naman kasi ng usapan nitong dalawang juniors na naglalakad sa harapan ko ngayon.

"Black. Ehh ikaw?"

"Red."

Sa pagkaka-alala ko, hindi naman ako ganito ka-excited last year. Buti nga ngayon, kahit papano naramdaman ko na rin.

"Sayang may girlfriend si Kuya Jaspher no? Gusto ko pa man din siyang ka-partner sa cotillion."

"Sshh, wag ka ngang maingay. Mamaya nasa likod lang pala natin yung girlfriend niya. Masabunutan pa tayo bigla. Pa'no ko na makukulot tong buhok ko kung malalagas na."

"Tara na nga, I need five hours of total make-over."

Bigla akong napangiti sa loob-loob ko. Kung alam lang nila na nasa likod naman talaga nila ko kanina pa. Na naririnig ko ang lahat ng pinag-usapan nila. Ewan ko lang kung paanong itsura ang makikita ko. Pero hindi naman ako ganun ka-harsh gaya ng iniisip nila. Kaya ko lang pumitik o pumingot pero ang manabunot, hindi ko pa nasusubukan.

Natigil ako bigla nang makita ko si Jaspher na malalim ang iniisip na naghihintay sa may shed. Sinubukan ko siyang gulatin pero hindi naman gulat na mukha ang nakita ko. Seryosong mukha lang niya, yun lang. Walang ngiti ang sumalubong o anumang salita. Tumayo lang siya at diretsong hinawakan ang kamay ko.

Naghihintay na kami ng jeep na sasakyan. Siya mariing nag-aabang, ako naman nakatitig lang sa kanya. Naghihintay ng magiging reaksyon niya kung sakali. 

Hanggang sa makasakay na kami pati pagkarating namin sa bahay, ganun pa rin ang itsura niya. Napagod lang siguro 'tong isang ito kanina sa practice.

"Sunduin na lang kita mamaya." bumeso siya sa'kin atsaka na dumiretso ng lakad pagkabigay niya sa akin ng bag ko.

Napakunot ako ng noo. "Jas!" 

Nagbigay naman siya ng atensyon sa'kin pero nakakunot lang ang noo niya. Same form of reaction pa rin simula pa kanina. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ko siya tinawag kaya ngumiti na lang ako. "Ingat ka!" tumango naman siya at diretso nang naglakad.

--

"Angela, andito na si Jaspher. Bilisan mo na diyan!" bulyaw ni Mama. Humapyaw pa ko ng isang tingin sa salamin bago ko tuluyang kinuha ang isang sling bag na kahit alam kong hindi bagay eh pinagpilitan ko pa rin, at saka na bumaba.

Nahagip agad ng paningin ko si Jaspher na pormal ang pananamit. Sa totoo lang, namangha ako kasi ibang-iba yung dating niya ngayon. May nakaukit na ring ngiti dun sa labi niya kahit ang reaksyon ng mata niya, parang wala pa rin.

"Ang ganda mo sa suot mo." nabulong niya sa'kin nang makasalubong niya ang kamay ko. Ngumiti na lang ako.

"Mag-ingat kayo ahh! Enjoy!" nakita kong nakangisi si Mama na pinagmamasdan kaming lumabas sa pintuan ng bahay. Sabay rin kaming kumaway at ngumiti sa kanya.

"Ladies first!" natugon niya pagkabukas niya ng pintuan ng kotse nila na nasakyan ko na noong Pasko.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon