Chapter Fifty-Six

70 2 0
                                    

POV: Angela


Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Ni hindi ko nga rin malaman kung paano ba ko nakatulog gayong sobrang sakit ng nararamdaman ko sa puso ko. Siguro dala na rin ng sobrang iyak.


Pilit kong tinatanong no'n kung ano ba ang mali sa'kin? Sinasabi niya naman sa'kin maganda ako, kung anuman yung nakita sa'kin nina Matthew't Jaspher, alam niya rin naman yun. Mas pa kasi kababata ko siya. Pero bakit ganun? Sa iba naman madali siyang ma-attract sa ganung features pa lang, ehh bakit sa'kin ang hirap?

Naaasar ako sa dahilan niyang bestfriend niya lang ako at hanggang dun lang yun. Kung meron mang sosobra sa pagmamahal niya sa'kin, bilang isang nakababatang kapatid lang. 

Kung ganun din pala, how I wish, sana hindi na lang niya ko naging bestfriend, sana hindi ko na lang siya kababata. Para naman mapansin niya rin ako sa paraang gusto ko.


Hindi na ako tinanong pa ni Mama nang makita niyang namumugto ang mga mata ko. Alam na niya siguro. Mother's instinct, kumbaga.


Bigla siyang umubo sa harapan ko nang makaupo na ko sa dining area para makakain na ng almusal. "May gusto ka bang kainin?" puno ng simpatya ang boses niya.

Sa boses pa lang na yun, gusto ko na ulet magpakawala ng mga luha sa mata ko. Pero tinapangan ko na lang ang sarili ko at marahang iniangat ang ulo ko patungo sa direksyon niya. Saka rin ako ngumiti nang buong pwersa. "Wala naman po Ma. Kahit ano pong ihanda niyo, basta makakain."

Nangunot pa ang noo niya pero agad niya rin namang pinawi yun ng isang ngiti. Tumungo rin naman siya sa kabinet para kumuha ng mga plato.


Ayoko nang sabihin pa kay Mama ang about doon. Ayoko nang magkwento pa. Napapagod na rin kasi ako sa paulit-ulit kong estado sa mga kwento ko sa kanya about sa'min ni luga. 

Oo, pagod na ko. Pagod na kong umasa. Pagod na pagod na kong magkunwari na sa bawat pagkakataong may pinapakilala siya sa'king girlfriend, hindi naman ako yun. Pagod na kong magdahilan sa sarili ko, na baka hindi niya pa napapansin. Na baka dumating ang panahon na makikita niya rin ako hindi lang bilang isang bestfriend o kapatid. 

Pero kailan ba yung tamang panahon na yun? Kailan ba kasi yun?! Wala man lang kasing definite time! Kung ilang oras, araw, buwan o taon! O baka naman kasi, ang panahon na yun, aabutin na ang forever? 

Forever na lang akong aasa. Aasa sa wala.

Kung sakali man, kaya ko pa bang maghintay? Pero, kakayanin ko kayang sumuko na lang? Mas natatakot akong isipin na baka sa pangalawang tanong ako mapunta.



"Ma, pwede po ba akong sumama sa mga kaklase ko mamaya? Nag-aaya lang po kasi sila ng bonding. Ng buong section namin."


Ipinaalam ko na kay Mama ang tungkol sa plano ng mga kaklase ko. Binago ko nga lang ng kaunti. Hindi naman kasi buong section namin, iilan lang. Kung sino lang ang may gusto.

Ang totoo naman kasi niyan, wala akong balak pumunta do'n sa plano nila. Hindi naman kasi ako uhaw sa party di gaya nila. Tsaka pulos inuman at sayawan lang naman ang ginagawa nila sa bonding na yun. Kaya nga minamabuti ko na lang na huwag nang sumama tuwing naiisipan nilang magsagawa ng mga bondings na yan.

Pero sa nararamdaman ko ngayon, baka makatulong ang pagsama ko para makalimutan ko muna ang sakit. Ngayon lang naman. Hindi naman ako iinom o magpapakawala ehh, gusto ko lang munang mapiligiran ng maraming tao. Baka sakaling makatulong.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon