Chapter Nineteen

159 21 0
                                    

POV: Logan

Nandito ako ngayon sa may waiting shed, waiting for gulaman. I was just here, sitting, when I heard a conversation few centimeters away from me.

GUY: Let's go?

GIRL: San ba tayo pupunta?

GUY: I'll tell you later. Come on, we're gonna be late!

That was Cynthia and the guy I had fight with, na kasama ni Cynthia nung makita ko siya sa park. They seem to be happy. They seem to be together. So maybe, it seems that she totally dumped me.

Sobrang sakit. 

Tinalo pa ang isang malalang sakit ang tumama sa'kin. 

I tried to forget her and move on.

But I could not.

Madaling sabihing okay na ko.

Pero ang hirap patunayan.

Mas mahirap pa kapag nakikita ko na siya.

Siya na masayang masaya sa bago niyang tadhana.

Siya na parang wala lang na naging kami.

Siya na babaeng mahal na mahal ko.

Siya na tumapos ng lahat.

Siya si Cynthia.

Hindi na nga siguro mawawala pa sa diksyunaryo ko ang pangalan niya. 

She will always be a big part sa puso ko.

And I guess now, that is called...

BAD NEWS!

"Hoy, ano na?" pang-gulat na tanong sa'kin ni gulaman. Gusto ko sanang itanong kung kanina pa siya nandun or what pero tumayo na lang ako sa kinauupuan ko at saka tumingin sa kanya.

"Uwi muna tayo ahh, ayoko mamasyal nang naka-uniform."

I almost didn't reply, pero baka makahalata naman siya sa'kin kaya nagsalita na lang din ako, "Opo na po! Dalhin mo na rin yung gift checks mo ahh, para magamit natin!"

Wala naman talaga akong balak ipasok sa usapan yun, kasi hindi rin naman talaga ako interesado. But wala akong baong joke ngayon ehh, yan lang ang tanging masasabi ko na maasar siya.

"Sige na nga lang."

"Hehe..."

Sumakay na kami ng jeep that time, we weren't talking hanggang sa makarating kami sa bahay nila. 

Sumaglit rin muna ako sa bahay para makapagpalit ng damit, pero sa mga oras na yun, yung totoo, parang gusto ko na lang humilata sa kama ko and just think over. Nawalan na ko ng gana para mamasyal. 

Tatawagan ko na sana siya nang may bigla naman akong narinig na mga boses na nag-uusap sa may sala. Tiningnan ko kung sino ang kausap ni Mama. Si gulaman. 

Kinonvince ko na lang ang sarili ko na sipagin para hindi naman magtampo 'tong gulaman na 'to. Sana lang magbago ang mood ko mamaya. Sana lang!

"Anong plano mo?" natanong niya nang makasakay na kami ng taxi

"Gusto mo ba munang kumain? Tapos saka tayo mag-ikot ikot. Then we can walk along the seaside after" na-reply ko na lang

"Okay."

That was an 'unplanned plan'. Pero mukang okay na rin yan kaysa naman sa wala di ba?

And so we took our dinner sa may Mang Inasal, para sulit na rin at nakakabusog pa. After nun, we are able to use some of the gift checks na nadala niya. More of dun, mga libro. Mahilig kasi siya sa libro. Ako naman, I use the opportunity na mabili yung limited edition na rubber shoes sa Nike na ginusto kong bilhin nung birthday ko and perfume na rin sa may Bench. 

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon