Chapter Fifty-Two

102 4 0
                                    

POV: Angela

I won the competition between me and Jaspher. Kaunti lang naman ang difference ng average namin, but still. mas umangat pa rin ako.

"Ikaw na talaga ang magaling!" nangingisi niya pang sabay akbay sa'kin nang makalabas kami ng principal's office para sa announcement ng honor rolls.

Ngumiti na lang din ako. "Kakasabi mo ng Salutatorian sa'kin, sa'yo tuloy napunta." Tumahimik ng kaunti. "Pa'no ba yan Mr. Salutatorian, mauna na akong umuwi? Ibabalita ko pa kay Mama ang pagkatalo mo ehh." Tinaas-taas ko pa ang dalawang kilay ko bilang pang-aasar.

Bago pa man siya makahabol ng tugon, agad na akong kumaripas ng takbo. Tumigil muna ako sandali at tumingin sa likuran ko. Malawak ang ngiti ko nang hinarap ko siya mula sa likuran. Nakita ko lang siyang kumakaway sa'kin.

I guess, this year had been the best. Ang daming twist and turns. Ang daming pangyayari na hindi ko inaasahan. Marami ring emotions ang nailabas ko na hindi ko naman na-imagine na mararamdaman ko. 

I'll be missing this year. Lalo na ngayong nalalapit na ang graduation. Nalalapit na ang pag-alis ko sa mundong kinagalawan ko for over four years. 

--

"Ma, may good news po ako sa--"

"CONGRATULATIONS, ANAK!" 

Napaawang na lang ang bibig ko nang makita ko ang malawak na ngiti sa'kin ni Mama. May mga confetti pa siyang sinaboy sa'kin pagbukas ko ng ilaw kanina.

Nangiti na lang din ako matapos yun. Pa'no agad nalaman ni Mama?

"Nag-text kasi si Jaspher. Pasensya ka na at eto lang ang nabili ko ahh? Masyado kasi akong natataranta kanina kaya hindi na ako nakapagluto ng maayos." pag-gabay pa sa'kin ni Mama sa may dining table.

Magandang ganti yan, Jas, ahh! Tss.

Pinagmamasdan ko lang si Mama na naglalagay ng pizza sa plato ko. Dalawang flavors pa ng pizza ang nandoon. Sino kayang uubos nito?

"Tita! Balita ko may handaan daw ahh?" nagulat ako sa pagsulpot ni Luga. Napalunok na lang ako sa kinakain ko nang magtama yung tingin namin sa isa't isa. Bakit ba kasi ang ganda ng mga mata niya? Haiistt!

"Hi Angela, congrats!" agad rin akong napalingon nang marinig ko ang boses na yun. Seems familiar pero nakakapanibago lang.

"Hmm? Bakit hindi na 'mine'?" dumugtong din si Kuya Jon na sumulpot rin sa may pintuan. "Angela, congratulations!" lumapit din siya sa'kin at tinapik pa ang likod ko.

"It's because, I've already got someone new to call that name. And she will be mine forever." he even illustrated a gesture na parang rainbow lang ang dating.

Nang makalapit siya sa kinauupuan ko, agad ring bumatok sa kanya si Kuya Jon. "Corny mo talaga, bro! Nanliligaw ka pa lang naman, akala mo naman sinagot na siya. Tsk tsk."

Tumingin lang si Matthew ng masama sa kanya at saka bumaling sa'kin. "Job well done, Angela!" sumaludo siya sa'kin at ngumiti naman ako pabalik. "Talo ka pa pala Logan ehh. Hahaha." 

Narinig ko ring tumawa si Kuya Jon. Sumulyap naman ako kay luga na halata ang pagka-banas naman sa dalawa. 

"Tita, sila Jon nga po pala at Matthew." isa-isa niyang tinuro ang mga kaibigan niya.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon