Chapter Fifty-Eight

77 2 3
                                    

POV: Angela


"Excuse me, sir. Ikeclaim ko lang po sana yung passport ko." magalang kong pagtanong sa isang officer na naroon.

"Ano pong pangalan nila?" dugtong niya rin naman ng tanong.

"Angela Ramos po."

"Kailan po kayo nag-apply for passport, ma'am?"

"Ahmm, last, last week pa po, sir."

"Dito rin po ba kayo nag-apply?"

"Yes, sir."

After a short minute of asking questions, may tiningnan mo na siya sa computer bago ulet humarap sa'kin.

"Hmm? I guess okay na naman po ang passport niyo, just please seat on the waiting section for a while. And wait whenever we call your name. Thank you."

Gaya ng sabi niya, iginayak ko na ang sarili ko sa vacant seat na naroon.


Nag-apply ako ng passport agad agad matapos ang scenario na yun. Alam kong sinabi ni Mama na pag-isipan ko muna lahat, ng mabuting-mabuti. Ginawa ko naman yun, isang buong araw akong nag-isip isip. Sinubukan kong tingnan lahat ng circumstances na pwede kong makita.

Kaya nga, eto ang naging desisyon ko. Susubukan ko ang hamon sa akin ng Harvard University.

Nanghihinayang rin kasi ako. Nakakuha ako ng full scholarship, at isa pa, sino ba namang aayaw sa Harvard? One of the greatest universities in the world? Baka dito ka pa makuha ang future na gusto ko.

Isa pa... going how many miles away, staying there for how many years? Baka makatulong rin sa'kin para maka-move on. Para makalimot, maayos ko ang sarili ko, para pagbalik ko, okay na ulet ako para maging besfriend niya.

Siguro nga, tama si Mama. Etong desisyon kong ito, malaki ang contribution ni Logan. Inaamin ko rin naman sa sarili ko na hindi ako magka-come up sa kung anuman ang napili ko, kung hindi dahil sa nangyari. Inaamin ko na gusto kong lumayo muna dahil nasaktan rin ang ego ko. Ng sobra.

Hindi naman rin nila siguro ako masisisi di ba? Eto kasi ang paraan na nakikita ko na makakatulong sa reconstruction ng lahat. Well, sana lang...


"Ms. Angela Ramos?"

Agad rin akong lumapit sa officer na tumawag sa akin.

"Thank you for waiting. Here is your passport, okay na po yan for certain travel transactions." agad niya sa akin iniabot ang passport ko.

"Thank you po."

Matapos yun, agad na rin akong lumabas ng building. Sumakay ako ng airconditioned bus, para diretso na rin sa amin. Para isang sakay na lang ng jeep, at kaunting lakad, nasa bahay na ako.


Matapos makahanap ng maayos na upuan sa bandang gitna ng bus, at makapagbayad sa konduktor, sinubukan ko munang umidlip since medyo mahaba pa naman ang byahe.


Magiging okay din ang lahat. Nasabi ko pa sa isip ko.



Nasa hapag-kainan kami ngayon ni Mama. Medyo weird kasi ang tahimik naming dalawa. Lagi naman kaming dalawa lang ang nagkakasabay kumain pero hindi yun katulad ngayon.

Parang may puwang. Sobrang laki ng space namin.


Alam kong hindi pa siya lubusang sumasang-ayon sa naging desisyon ko. Kung pwede nga sana, wag na akong umalis. Para hindi ako mahiwalay sa kanya. Na araw-araw ko pa rin siyang makasama.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon