Chapter One

896 23 0
                                    

POV: Angela

<Entry 1.1>

"Hoy, gulaman! Gumagawa ka na naman ng mga istorya mong out of the blue noh ?!" bulyaw ni Logan, bestfriend ko simula't sapul na maliliit pa lang kami.

"Gelatin yun noh, hindi gulaman tsaka hindi lang basta basta ang mga sinusulat ko noh, makwento ka na naman." lagi kaming aso't pusa niyan, siga kasi masyado. Akala mo sinong machong lalaki ehh patpatin naman. (Angela po ang pangalan ko, just so you know. Lahat ng tao dito, Gela ang tawag sa'kin siya lang ang naiiba. Akalain mong gawing gulaman ang gelatin, ehh magkaiba kaya yun.)

"Sus, parehas lang yun."

"Ano namang ikinaparehas nun?"

"Parehong edible, nakakain at nakakain din yun noh!" gawin ba namang pagkain ang pangalan ko.

"Hay ewan! Bahala ka na nga diyan sa buhay mo. Manigas ka!" tablado ako lagi sa lalaking 'to ehh, ang lakas kasi mang-asar. Palibhasa, walang magawa sa buhay niyang parang kulangot (nabibilog daw kasi portraying na bilog ang mundo kung saan sinasabi ng iba na parang buhay ng tao. korni noh? yan din ang sabi ko sa kanya nung isabat ba naman habang kumakain kami ng tanghalian, bastos talaga! tsk tsk). Ewan ko ba naman sa taong 'to, kasing simple lang ng gulong, ginawa pang kulangot. (para unique daw pakinggan)

"Nag-aaway na naman kayong dalawa, sige kayo niyan mamukat-mukatan niyo inlababo na pala kayo sa isa't isa." bungad ni Mama na kagagaling lang ng mini grocery store namin (day off niya ngayon ehh).

"Eeww, yuck! Ano ba yang pinagsasabi mo, Ma? Paano mangyayari yun ehh tingnan niyo nga yang taong iyan, kung tao nga talaga siya. Wala ngang pakinabang sa buhay yan ehh, di ko nga alam kung bakit isiniksik pa talaga siya sa ark ni Noah kahit puno na." patabil kong sabi. Nakakadiri naman talaga kasi ehh. Ako? Maiin-love sa Logan na yan, no way! Papakasal na lang ako sa kuto ko (uy, wala akong kuto ahh, in case lang naman na may manirahan na lang bigla)

"Maka-eeww ka naman, ouch! Don't worry, hinding hindi ako magkakagusto sa gulaman na katulad mo!" naka-pout niyang sinabi habang binehlatan ako palabas ng bahay namin.

"Talaga. Bulag, pipi, bingi, lumpo, isama mo pa ang dehydrated lang ang magkakagusto sa'yo noh!" joke lang yung dehydrated, wala na kasi akong ibang masabi, tablado na nga ako di ba? Atleast may nasabi.

 --

To know more about Logan, please visit this webpage: www.logankulangotangbuhay.com.ph

Syempre joke ko lang yun, asahan niyo namang may webpage ang lalaking yun ehh fb account nga ata, wala rin siya. Ayaw niya daw kasi ng exposure (nakanaks, exposure... andaming alam niyan sa buhay ehh, makwento nga di ba?)

Paano ba naman, hearthrob sa buong campus, matalino pa (tamad nga lang), isama mo pang part siya ng debate team ng school namin ngayon (pasukan na nga pala, dun din siya nag-aaral sa pinasukan ko ngayon, mayaman naman sila ehh; and while I'm an incoming first year highschool student, siya naman ay magsosophomore na). Kaya nga kahit anong gawin mong pakikipagtalo sa kanya, paniguradong loser ka pa rin bandang huli. May paalam-alam pang 'according to this article', 'to the note that Nelson Mandela once said' at kung anu-ano pa yan. Sino ba namang hindi mapapa-nganga dun?

Actually, gwapo naman talaga 'yang si Logan ehh and kung physical appearance lang ang pag-uusapan, the least you can describe to him is 'perfect'. Sinasabi ko lang na patpatin siya pero ang totoo, kahit papaano naman ehh may katawan din (hindi nga lang yung tipong mailalaban mo sa body building).

Simple lang din yan kung manamit, ayaw niya nga kasi ng exposure (ang kulit ng exposure na yan ahh, kanina pa). Ayaw niyang ipaalam sa lahat na nagbuhat siya sa isang mayamang pamilya. Ehh, kahit jeans na tinernuhan ng white shirt with rubber shoes pang footwear lang ang OOTD (outfit of the day) niya, mukha pa rin naman siyang mayaman. Ewan ko ba sa taong ito, pa-humble masyado pero when he's around me, he's so arrogant!

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon