Chapter Twenty-Seven

131 17 0
                                    

POV: Angela

"Ako ang pipigil sa kasal..."

He's staring at me - waiting for my answer? 

I do the same thing - mesmerizing the words he let out from his beautiful mouth.

Hindi ko ba alam kung bakit ganun na lang kalaki ang impact ng mga salitang binitawan niya, though I know, it's just all in the agreement Papa and him had. One of the duties na pwedeng gawin ng isang bestfriend. Isang bagay na gagawin ng isang kababatang, parang kapatid lang ang tingin sa akin.

"Tara na nga, inaantok ka na ata ehh. Natutulala ka na lang bigla."

Bigla na lang nagising ang isip ko. Ewan ko ba pero feeling ko namula na lang ako bigla. 

Sinubukan niyang hilahin ang kamay ko pagkatayo niya. Kahit alam kong mas malakas siya sa'kin at kayang kaya niya akong hilahin ng ganun ganun lang, pinilit ko pa ring i-refuse ang lakas niya at manatiling nakaupo sa gilid ng daanan.

Tiningnan ko siya ng diretso, sinuklian niya naman ako ng nagtatakang tingin. "Huwag mong sabihing diyan mo gustong matulog?"

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, I remained steady for three more minutes.

"Bakit ang bait bait mo sa akin?"

Hindi pa rin naaalis ang nagtataka niyang itsura. Mas lalo pang nadagdagan ang bakas ng pagtatanong sa muka niya. 

"Anong klaseng tanong yan? Lasing ka ba ahh?" Bigla siyang lumapit sa'kin at inamoy amoy ang paligid ko - mula buhok, leeg, hanggang sa nakaupo na siya sa may harap ko at nakakunot-noong nagsalita, "Hmm? Hindi ka naman amoy alak ehh..."

Tinapik ko siya ng malakas para tuluyan siyang mapaupo sa kalsada. "Talagang hindi ako mag-aamoy alak, hindi naman ako uminom ehh..."

He released an 'okay' look at saka tumayo. Habang pinapagpag niya ang pantalon niyang nabahiran ng buhangin, saka ko binalik ang naging tanong ko.

"So bakit nga?"

"Hmm?" pakunwaring pag-iisip niya. "Kasi bestfriend kita, kababata, parang little sister ko."

"Ehh yung sinabi mo sa'kin sa MOA nun? Na pwedeng maging girlfriend mo ko? Seryoso ba yun?" kabado kong tanong, trying to fill my face with a very relax look para hindi niya masyadong mahalata.

Tumahimik sandali hanggang sa: "Bakit gusto mo ba?"

So, he's still on that thinking? Hindi lang ba yun joke?

"Hehe, joke lang. Wala yun noh, DI ba sabi ko nga, imposible mangyari yun."

So it is really a JOKE! 

"Ehh pa'no kung gusto ko pala?"

"Logan."

"I love you."

I looked away. He froze, I think. Kasi ganun din ang naramdaman ko.

Hinintay ko siyang sumagot. 

And I failed.

Kaya para mawala yung awkward silence namin...

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon