Chapter Forty-Five

91 6 0
                                    

POV: Angela

"Ma, ano po bang problema ni Luga? Kanina pa yan tahimik ehh, sinungitan pa ko kanina." natanong ko kay Mama na todo kunot ang noo. Nakikitulong na rin ako sa pagliligpit ng hapag-kainan.

Tsaka, bakit ba kasi nandito yang Luga na yan! Kailangan niya pang ipamukha sa'kin na wala akong kwentang anak ahh! Akala niya ba ginusto ko yun, tsk.

"Hayaan mo na muna. Pagpasensyahan mo na. Broken-hearted ehh." nagulat ako sa sinabi ni Mama. Broken-hearted? Break na sila ni Ate Vanessa? Kailan pa?

Napatingin na lang ako kay Luga na abala sa kunwaring pagbabasa niya ng isang romance novel ko. Agad rin naman akong bumitaw sa pagtitig sa kanya at tinabihan na lang din siya.

"Naintindihan mo naman ba yang binabasa mo? Kung makapag-seryoso naman 'to" pagjojoke ko pa sa kanya, pero hindi man lang siya ngumiti ni tumingin man lang sa'kin. Binigay niya lang yung libro sa'kin at saka tumayo na at nagpaalam na kay Mama na gumayak na rin papuntang kwarto niya.

Agad ring ngumiti si Mama sa kanya at diretso lang siyang lumakad palabas, hindi man lang nag-paalam sa'kin. Nakita niya naman siguro akong dumating kanina di ba? Kinausap pa niya ako. Ehh bakit ngayon, parang wala man lang ako na nag-eexist sa harapan niya?

Hindi na ko nakatiis pa. Ginagalit mo na naman ba ako Luga? Kung hindi mo lang talaga kailangan ng bestfriend ngayon, hindi ako mag-titiis na kausapin ka ehh. Tss.

Agad rin akong humabol sa kanya. Sinara ko muna ang pintuan ng bahay dahil panigurado tulog na yun si Mama. Mukhang mahaba-habang usapan ang gagawin naming ito ehh.

"Ano bang problema mo ahh?" pagharang ko pa sa daanan niya. Tumitig lang siya sa'kin ng blanko tapos diretso ulet na naglakad. Hinawi niya lang ang nakaharang kong kamay.

Kumuha ako ng bato (yung maliit lang naman) at binato sa kanya. Agad rin siyang napatigil sa paglalakad at nilingon ako nang masama ang tingin.

"Kanina ka pa ganyan ahh. Una, sinungitan mo ko; ngayon naman, hindi mo ko kinakausap." mahinahon ko nang sagot sa kanya pero may bakas na pagkatampo. Ayoko nang dagdagan pa yung sobrang emosyon na nararamdaman niya ngayon.

"Bakit mo kasama yung Jaspher na yun? Bakit mo ba kasi siya sinagot? Bakit ba kasi nag-boyfriend ka kaagad?" ako na naman ba ang topic namin? Kainis 'tong lugang ito ahh!

"Ehh bakit ko naman kailangan sagutin yang mga tanong mo?" nakapameywang ko pang tugon sa kanya

Umiwas siya ng tingin sa'kin at umakma na namang tatalikod. Pero bago pa man siya makalayo ulet, bumato na agad ako ng maliit na bato.

"Bakit ba ang sungit mo? Break na kayo ni Ate Vanessa ano? Bakit mo sa'kin binabato yang galit mo sa kanya? Ano namang kinalaman namin ni Jaspher dun?" halos pasigaw ko nang sabi sa kanya. Nakakaasar ehh!

"Kasi kung kailan ko kailangan ng bestfriend, wala ka naman dito! Kasi kung wala yung manyakis na Jaspher na yun, edi sana lagi pa rin tayong magkasama! Kung hindi ka nag-boyfriend, edi wala akong kaagaw sa atensyon mo!"

Nagulat ako sa sinabi niya. So ako lahat ang may kasalanan? Hindi ako nagtagal sa pakikipagtalasan sa kanya ng paningin, pumulot pa ko ng maliliit na bato at pinagbabato siya. "Ehh baliw ka pala! Ang sellfish mo! May sarili rin akong buhay, baliw ka!"

Naubusan na ko ng batong ibabato. Hindi ko na rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko. 

"Alam kong dapat comfort ang binibigay ko sa'yo ngayon. Something na makakapagpagaan diyan sa wasak mong puso. Pero sa ugali mong yan, malamang talaga! Kaya ka iniiwan ng mga babaeng minamahal mo ehh!" saka ako tumalikod sa kanya at nagmartsa palayo.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon