Chapter Twenty

160 21 0
                                    

POV: Matthew

JS PROM NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

I have waited for this day to come, finally dumating na rin. HAAYYY!

I can finally dance with mine tonight.

I can finally secure her in my hands.

I can finally stare at her while slow dancing.

I can't wait for tonight. Sana mag-fastforward na ang oras. And at the time na kasayaw ko na siya, sana tumigil na lang ito bigla at hindi na muling umandar pa.

--

"So, you're ready for tonight?" bungad na tanong ko kay mine nang masulyapan ko siyang nakatambay sa hallway ng room nila, nagbabasa ng libro.

"Ay, baklang bata ka!"

"Possible nga na maging bakla ang bata. Pero hindi ako bakla ahh, hindi na rin ako bata." pag-aanalyze ko sa naging reaksyon niya

"Ikaw pala." nasabi niya na nag-aayos ng muka nang makita niya kong naka-lean towards upon her. "Teka, di ba may klase ka? Bakit nandito ka?" she even continued na binalik ang tingin sa librong binabasa niya.

"Ehh pinalabas ako ng room. Kesa naman sa tumambay lang ako, pinuntahan na lang kita." naka-pout kong sabi, habang nilalaro ang paningin around the hall

"Baliw ka talaga! Bakit ka naman pinalabas ng room?" naging tugon niya sa naging kasagutan ko

Ayoko sanang sagutin kasi ayoko namang dun lang mag-focus ang conversation namin but I just replied her with a safe answer, "Ewan ko ba kay Mrs. Robles, ang init ng dugo sa'kin ehh."

--

Kakaisip ko kasi for the event tonight, di ko napansing may nagsasalita na pala sa harap at makailang beses na rin akong tinatawag, but I did not bother to pay attention of it.

Naramdaman ko na lang na may teacher na pala nang makaramdam ako ng bato ng chalk na dumampi sa kanang pisngi ko. Si Mrs. Robles pala. Kaya yun, pinatayo ako at pinalabas ng classroom. Bumalik na lang daw ako for the next class namin.

--

Bago pa man din siya makapagsalita muli, naghanda na agad ako ng maidudugtong para mabago na rin ang ambiance ng buong lugar, "Teka, ako unang nagtanong ahh..."

"Ano ba yung tanong mo?" she asked, nakatingin pa rin sa libro niya

"Ready ka na mamaya?" nakangiti kong tanong sa kanya

"Para san?" 

"Sa prom di ba? Don't tell me you forgot." nasagot ko na naalis ang ngiti sa labi at napalitan ng pagkunot ng noo

"Sus, ilang beses mo ba namang minemention yan sa'kin sa nagdaang linggo, makakalimutan ko pa ba yun. So what's with tonight?" she said na wala man lang reaksyon sa muka, still fixed her face towards the book she's reading

"Wala lang naman. Excited lang ako. Aren't you excited?" napangiti kong muling sabi sa kanya

"NO!" pagtaas-boses niyang sagot. "Ikaw lang naman may gusto dun ehh. Napilitan lang naman ako kasi nakapangako na ko."

"Ouch naman yun. Pero atleast ikaw ka-date ko sa prom."

Hindi pa rin siya tumingin sa'kin, ni hindi rin ngumiti. She just left a big sigh at saka nagpatuloy sa pagbabasa.

--

For the whole conversation namin, parang hindi man lang siya tumingin sa'kin. Ni hindi ko nga alam kung pinapakinggan niya ba ko magsalita at talagang nasasakto lang ang mga sagot niya sa nagiging reactions niya sa binabasa niya o nakakaya niya lang talagang pagsabayin ang atensyon niya sa pagbabasa at pagsagot sa'kin.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon