Chapter Six

252 18 0
                                    

POV: Logan

<Entry 2.10>

"Sige na, tulungan mo na 'ko. Di ka man lang ba naaawa sa BESTFRIEND mo?"

--

JS prom na kasi namin next week and dahil doon, maraming kailangang asikasuhin.

--

"Wow ahh, ako pa talaga walang awa ngayon?"

"Oo."

"Basta, my final answer is no, a big, big NOOOOOOOOOOOOOOOO!!!"

"YESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!"

"No! No! No!"

"Yes!!!" paulit kong sagot hanggang sa maubusan na ko ng energy na sumigaw, these soft words with a cute kitten look na lang ang ni-release ko. "Sige na, please?!?"

"Manigas ka, hindi na kita tutulungan pa noh?" (ganito ba talaga katigas puso nito?)

"Nag-sorry na naman ako ahh, I even kneel to you para lang mapatawad mo ko." (chos!)

"Oh really?" (chos nga lang di ba?)

"Fine, hindi na nga ako lumuhod but still, I did say sorry a million times sa'yo"

"Alam mo okay lang naman yung pag-sosorry mo ehh kaya nga inaccept ko di ba?"

"Ehh bakit ayaw mo kong tulungan ngayon?"

"Ipapaalala ko lang sa'yo ahh. First, the last time na tinulungan kita, pumayag akong gawin yun for 1 week and you know what? in that 1 week, tinalo ko pa yung business manager sa sobrang dami ng pinag-gagawa ko. Yung totoo? hindi na nga helping hand yung tawag dun ehh kundi utusan para lang sa isang favor. but since I'm educated, okay lang. Second, we had an agreement na right after that week, ililibre mo ko sa isang MA-MA-HA-LING RES-TAU-RANT but the ending is, walang nangyari. kahit carinderia na nga lang, wala pa rin akong natikmang libre. but since I'm very much professional kaya okay lang din. But now?! Just...now?! you're asking me to be your and your constituents' slave again?! Well in that case, hindi na okay yun. So, please just stop begging and keep on pleading on me na tulungan ulit kita, kasi ayoko na! A-YO-KO NA!" (nahihilo naman ako sa gulaman na'to, pabalik-balik kasi ng lakad sa harapan ko while doing different hand movements na lalo pang nagpalala sa hilo ko)

"O-okay?" (oo na lang ako. sa dami ba naman ng sinabi niya, effort ko pang i-defend yung sarili ko. ni hindi ko na nga matandaan yung arrangement ehh, all i just know is mukang galit siya habang minemention niya yun isa-isa).

--

Oo nga pala, imbis na tulungan niya lang ako for small works sa student council the last time, ehh hindi ko na napansin na hindi lang pala ako yung nagpapatulong sa kanya but even the other officers, kaya nasabi niyang nagiging utusan na daw siya. 

And remember my promise to her na ililibre ko siya sa isang expensive restaurant by which Jollibee lang sana ang plano ko, ehh nakalimutan ko naman. Siya naman kasi ehh, di niya na lang ulit minention para maalala ko ulit. Alam naman niyang makakalimutin na nga ako ehh.

--

"Pero, malapit na yung JS prom ehh. Marami pang kailangan gawin especially now na ni-reject pa yung proposal na ginawa namin." (choosy pa kasi yung principal ng school na 'to, kaya tuloy sobrang nahihirapan ako ngayon)

"Ehh bakit hindi ka sa president magpatulong? Obviously, siya nga dapat ang gumagawa halos niyan ehh" (naisip ko na rin yan, kaso...)

"Wala. Marami daw problema sa kanila kaya hindi siya makapag-focus dito sa school." (LQ daw yung parents niya ngayon ehh)

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon