Chapter Thirty

131 13 0
                                    

POV: Angela

Ahh! Why so handsome?

Wait...

Nag-dodrool na naman ako ehh. Mamaya, makita niya pa kong ganito, tsk.

FIX YOURSELF ANGELA!!!

--

Tapos na yung program ng party. Unti-unti na ring kumakaunti ang bilang ng crowd. TIME CHECK: 11:45 pm.

I was sitting alone sa isang table. Nauna nang matulog sila Tita, umuwi na rin kanina si Mama. Kaya yun, naiwan ako ditong mag-isa. Kailangan ko rin kasing makausap si Logan ehh. Tama si Matthew, kailangan ko nang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Para wala na kong itatagong secret sa bestfriend ko. Tsaka malay natin di ba?  

Nabuburyo na ko. Inaantok na ko. San na ba kasi yung lugang yun?

"Hoy! Bakit nandito ka pa? Ikaw ahh, may pasok ka pa bukas." may biglang gumulo ng buhok ko: si LUGA!

"Aray ko naman!" nakakunot-noo kong sagot sa kanya, habang inaayos yung buhok kong ginulo-gulo niya kanina.

"Hehe. Musta?" pang-asar niya pang reply, sabay upo sa tabi ko na sinakop ang dalawang upuan.

"Okay lang. Bakit mo natanong?"

"Wala lang."

"BALIW!"

Piningot ko siya, yung tipong mapatayo na siya sa sobrang sakit. "Aray ko naman! Hoy! Special day ko ngayon ahh, wag mo nga akong mapingot-pingot diyan!"

"Hoy ka rin! 12:19 na po kaya. Tapos na yung 'special day' mo noh!"  pagdadahilan ko naman sa kaniya.

YES! First time kong manalo dito ahh... HAHAHAHAHAHAHAHAHA

"Nakita kita kanina. Nagwapuhan ka sa'kin kanina noh?"

OH NO! Nakita niya kong naglalaway sa kanya kanina! WHAT TO SAY?!

"Hindi kaya! Napangitan nga ako sa'yo ehh. Alam mo yung mukhang tsonggong naligaw sa city, ikaw kaya yun!"

Pwede na yan! Basta may maidahilan lang!

"Wehh? Kunwari ka pa ehh. Aminin mo na kasi may gusto ka sa'kin noh?"

"HA-HA-HA! Of course not!"

Teka, di ba nga gusto ko nang sabihin sa kanya yung totoo?

Sinubukan kong i-start up yung conversation ulit sa paraang safe (sa pagkaka-alam ko) "Ahmm, luga! May sasabihin ako sa'yo ahh. Pero wag kang matatawa o magagalit."

"Hmm? I'll think of it." Nagkunwari siyang nag-iisip tapos saka siya biglang tumingin sa'kin, yung titig na titig, na tipong akala mo sobrang big deal ng sasabihin ko sa kanya. (Well, big deal naman talaga yun) "Joke ba yan? May nagawa ka ba sa'king masama? Ano ba yung sasabihin mo?"

Bigla kong nilayo yung mukha niya sa'kin. "Ehh, mag-promise ka muna!"

He stared at me, with a bad look. "Oo na nga! PROMISE!"

"Ahmm, kasi ano... ano kasi... ahmm..."

"Ano na?"

MAHAL KITA!!!

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon