Chapter Thirty-Four

92 12 0
                                    

POV: Logan

Dumating ang araw ng graduation ko pero wala pa ring ni isa mang texts ang galing sa kanya. Wala akong ideya kung ano na ba ang nangyari sa kanya. Hindi ko na gusto ang mga naiisip ko. Makapaghanda na nga lang. Baka mag-text na rin siya maya-maya.

12:30 nang makarating kami sa campus. Kasama ko ngayon ang pinakamahahalagang tao sa buhay ko: si Papa, si Mama at si Mia. Sana nga lang nandito rin siya ngayon.

Ten minutes past one na nag-start ang program. Tumagal din ng almost two hours ang ceremony. Si Papa ang umakyat ng stage para magsabit sa akin ng medal habang si Mama't Mia naman ang taga-picture at ang taga-cheer. Sa wakas nakuha ko na ang diploma ko, tapos na ako ng highschool.

Natapos na ang graduation ceremony, tiningnan ko ang cellphone ko, wala pa ring text galing sa kanya. Natapos ko na ring mabugbog si Matthew pero wala ni isa mang paramdam mula sa kanya.

Nagpa-iwan muna ako sa academy para makasama ko ang mga barkada ko. Hindi naman kasi lahat makakapunta sa party na inihahanda nila Mama, may kanya-kanya rin silang celebration na gagawin. Kaya for the meantime, naghanda muna kami ng isang party sa loob ng classroom namin. Nagkaroon ng mga tawanan, iyakan at kung ano-ano pang mga mixed emotions. Ganito lang talaga siguro pag-graduate na, yun bang inilalabas mo na lahat ng emosyon mo sa prediction na maaaring hindi na magkaroon ng chance na magkasama-sama pa rin kayo mapa-hanggang college.

Unti-unti nang nalalagas ang magkakabarkada. Sila Jon at Kristen ang nagpasimuno ng lahat. Si Cynthia, masaya na sa bagong buhay pag-ibig niya. Masaya na rin ako para sa kanya, lalo na ngayong may Vanessa na ako. Si Matthew naman, komportable na akong hindi niya na kukulitin at makukulit pa si gulaman. Okay na silang lahat, ako hindi pa. I'm craving for her texts.

Nakarating na ako sa bahay, nagsimula na rin ang party. 

Bandang eight-thirty, nag-text siya.

Hi, babe. Pasensya na ngayon lang ako nakapag-text. Biglaan ang dating ni Daddy kahapon kaya hindi na ako nakapagpaalam sa'yo, dumiretso na rin kami sa townhouse namin sa Tagaytay. Wala ring signal kaya hindi ako makapag-reply o makatawag man lang. Sorry kung nag-alala ka ng sobra. Don't worry, pauwi na akong Maynila, aabot pa naman siguro ako diyan, sobrang late na nga lang. 

P.S. Okay lang ako. Promise!

Nag-reply ako agad.

Sobrang pinag-alala mo ako. Huwag mo nang uulitin ulit yun ahh. Nagdala ako ng flowers sa'yo kahapon, kaso wala ka naman sa condo mo kaya yun nalanta na. Basta makarating ka lang, okay na sa'kin yun. Mag-ingat ka sa pag-uwi. I love you!

SEND.

Promise hindi na talaga. Sayang naman, hindi ko tuloy naamoy yung mga flowers, ikaw pa naman ang may bigay. Next time na lang. Mag-iingat ako, don't worry. I love you too.

Asikasuhin mo na ang mga bisita mo, mamaya mo na ako itext. Bye for now!

Hindi na ko nag-reply. Baka mapagalitan lang ako ehh. Masunurin atang boyfriend ito. HAHA.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon