Chapter Forty-Seven

106 5 4
                                    

POV: Matthew

May hang-out ang barkada. Sa Makati napagsunduan na magkita-kita dahil doon malapit ang pinagtatrabahuhan ni Jon. Makikipagkita siya sa amin before pa mang pumasok sa trabaho niya. 

Ako ang nauna sa kitaan. Wala rin kasi akong magawa sa bahay, kaninang umaga pa tapos ang klase ko. Tsaka, namimiss ko lang ata ang mga loko kaya ganito ako ka-excited na magkita-kita kami.

Marami na kong na-mimiss na kwentuhan ahh. Mukhang mahaba-habang bonding ito. Pasensya na lang si Jon kung ma-late siya o tuluyan nang hindi makapasok dahil balak ko silang lasingin. Aba, minsan na nga lang 'to ahh. Itotodo ko na! Tingnan lang natin kung hindi ito maging memorable sa kanila.

Nakita ko nang pumapasok sila Jon at Logan. Bakas sa kanila ang ngiti sa mukha. Pustahan tayo, magiging mas malaki pa yang ngiti na yan kapag nakita nila ako.

"Matthew!" naunang sigaw ni Jon sa pangalan ko, saka ako niyakap ng mahigpit. Nakakabakla naman itong pagyakap niya sa'kin. Kaya agad rin akong bumitaw.

"Eeww, man! Hindi tayo talo!" humalakhak lang siya sa sinabi ko. Napangiti na lang si Logan sa naging reaksyon ko at saka na rin niya ako tinapik-tapik sa likod.

"Kaya siguro hanggang ngayon, wala ka pa ring naipapalit sa MINE mo. Dahil puro bakla ang lumalapit sa'yo." pang-asar pa ni Jon na naupo na nang maayos sa table na kinauupuan ko kanina. 

Nag-prisinta si Logan na siya na ang mag-order. Tumango tango na lang kami. Libre niya daw ehh. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa kanya ngayon at nalibre niya kami. Ang pagkaka-alam ko kasi kuripot to ehh.

"Anong meron kay Logan? Mukhang masaya ata?" napabulong kong tanong kay Jon na nasa harapan ko ngayon.

"Hmm? Baka inlove na naman." walang ka-lutay lutay niyang pagsagot sa'kin. Pambihira naman 'tong isang ito. Minsan na nga lang mag-usap, tamad pa magsalita. Akala ko ba pag once na naging call center agent ka na, mas lalo kang dadaldal?

Teka, in love na naman si Logan? Kanino naman kaya? Parang kelan lang nang mag-break sila ni Vanessa ahh. 

"O..." saka niya nilapag ang isang tray na dala niya. Bumalik pa siya ulet para kunin ang pangalawang tray. Himala talaga!

"Will you please let go of the stare Matthew? Baka ikaw ang bakla diyan." nasabi niya nang hindi tumitingin sa'kin.

"Kanina pa yan nagtatanong tungkol sa'yo bro. Sabi pang in love ka daw." hindi rin tumingin si Jon at pinagkaabalahan ang softdrinks niya.

"Baliw ka Jon! Ikaw kaya may sabi non." I defended myself. Totoo naman kasi di ba?

"Tigilan niyo nga akong dalawa!" sinabi lang niya para tumigil na kami. "Hindi ako in love ahh, malapit pa lang."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jon sa sinabi ng loko. Sabay rin kaming napatunganga sa kanya.

"Mamaya na nga yan! Magkwento na kayong dalawa! Ikaw, Jon! Kumusta na kayo ni Kristen?" pag-iiba niya ng topic. 

Aangal pa sana ako pero pinigilan naman ako ni Jon na nakisagot na lang din sa naging tanong ni Logan. Mamaya ko na nga lang ulet itatanong. Sino naman kaya yun?

Puzzled talaga ako sa sinabi ni Logan kanina. Kaya nawalan na rin ako ng amor para uminom. Dumiretso na lang kami sa isang mall at doon tumambay. Swerte mo talaga, Jon! Hayaan mo, sa susunod, lalasingin talaga kita ng sobra.

Kakatapos lang naming mag-arcade at napahinga muna kami sa may foodcourt. Nanlibre ulet si Logan. Pizza, this time. Tatlong box pa, para tig-iisa kami at wala nang agawan ang mangyari. Ganun ba talaga ang epekto sa kanya ng kinababaliwan niya ngayon?

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon