Chapter Forty-One

115 12 0
                                    

POV: Logan

Nasa labas ako ng bahay ngayon. Naglakad-lakad muna ako para makasinghap ng malamig na simoy ng hangin. Gusto ko rin makapag-isip isip.

Etong mga nagdaang linggo, nagkakalabuan na kami ni Vanessa.

She had shows to do in the US habang ako naman, eto at naghihintay ng balita mula sa kanya. She haven't texted to me yet. Last na text niya ay nong makarating na siya roon. Hindi ko alam kung naging masyado ba siyang busy dahil sa mga projects niya. But I guess not, nakakapag-post nga siya sa facebook account niya more recently. Eiher pictures or simple posts of greetings and successions of the day. Sinusubukan ko siyang i-message, nag-iiwan din ako ng mga comments sa mga posts niya, pero hindi siya nag-rereply.

Hindi ko alam kung ano ba ang nagyayari. Meron ba kaming problema? Ang alam ko naman, maayos kami nang umalis siya dito sa Pilipinas. 

--

Papasok na sana ako sa bahay nang matanaw ko naman si Gulaman sa isang banda. At may kasama siyang lalaki? Ka-holding hands niya pa? Kayakap niya na? 

Nang makapaglakad na ulet sila palayo, nagtago muna ako sa isang tabi para hindi niya ko makita.

Lokong Gulaman 'to ahh! May boyfriend na siya? Kailan pa? Tsk! 

--

"So may boyfriend ka na pala?" natanong ko nang mahatid niya na sa labas ang BOYFRIEND niyang pauwi na. Sino ba 'tong lalaking 'to?

Napawi ang ngiti niya at saka kumunot ng noo. "Ano ngayon kung meron na? Ikaw nga ehh, huli na nang sinabi mo sa'king may girlfriend ka na ulet. Maski naman nung kay Ate Cynthia pa ehh. Kaya kwits lang tayo" 

Umamba na siyang pumasok ng bahay nila pero agad ko rin siyang pinigilan. "Hoy, Gulaman! Sinasagot mo na ko ahh, mas matanda pa rin ako sa'yo kung nakakalimutan mo. Tsaka bata ka pa para magka-boyfriend." humarang ako sa daanan niya.

"Parang ikaw naman, kailan ka ba unang nagka-girlfriend? Di ba sa parehong year ko ngayon? Actually, third year ka pa nga lang ata noon ehh. Kaya anong problema dun?"

 Oo nga pala. That was summer vacation nang maging kami ni Cynthia. 

"Kahit na ba! Atleast ako lalaki, ehh ikaw?" ang tanging naging palusot ko.

"Ganun, gender differences na tayo ngayon? Hindi porket babae kami, hindi naman pwedeng hindi namin gawin yun."

"Nandon na ko, oo. Pero pano kung may mangyaring iba? Ikaw rin ang kawawa. Atleast ako, kaya kong magpigil. Eh ikaw?"

Napatahimik ko siya sa sinabi kong yun.

"After all these years, Logan? Kuya Logan, I mean. Sa lahat naman ng taong naisip ko na hindi ako pagkakatiwalaan, ikaw pa pala ang nauna dun? If you're worried about me, wag ka nang mag-abala pa sa'kin. Kaya ko ang sarili ko. Let go of me. Asikasuhin mo na lang ang Vanessa mo."

Padabog niyang sinarado ang pintuan nila.

I pushed her to her limits. Alam ko namang hindi naging tama ang nasabi ko, pero bakit ganun na lang ang naging galit niya? Ngayon na nga lang ulet kami nagkita at nagkausap, ganyan pa siya. Ganito pa ang nangyari. And now, she called me in my name. Ano bang nangyayari? Ano na nga ba ang nangyayari?

--

"Goodmorning!" nakangiti kong pagbati sa kanya.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon