Chapter Thirty-Two

122 11 0
                                    

POV:Logan

It is finally the day I'm gonna see her again. 

What should I wear?

--

While fixing myself in front of the mirror, "Uy si Kuya may date! Haha." pang-asar namang sulpot ni Mia, with matching evil smile pang tumataginting sa mukha niya.

"Anong date? May kikitain lang akong kaibigan noh!" palusot kong sagot habang inaayos ang polo kong ngayon ko na lang ulit nasuot. (the last time I wear this, way back 2005? or earlier than that?)

She nods her head at saka umupo sa may kama ko, patuloy lang akong pinagmamasdan sa pag-aayos. "Kaya pala kung makatuck-in ka wagas. Ang panget kaya tingnan!"

Tiningnan kong muli ang pagka-tuck in ko sa polo na medyo pormal ang dating. Maayos naman. Kaso hindi naman talaga bagay kung casual lang naman ang pupuntahan ko.

"Panget ba talaga?" napatanong ko bigla.

Narinig ko siyang papigil na tumawa. "Edi lumabas din yung totoo. Hindi ka naman ganyan ka-conscious sa susuotin mo kung kaibigan lang di ba?"

Tiningnan ko siya ng masama. "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Di ba may exam ka pa? Mag-review ka na nga dun!" sabay focus ko ulit sa salamin.

"Ehh bakit asar talo ka? Haha."

Hindi ko na siya pinansin pa. Naramdaman niya na rin naman siguro ang pagka-asar ko kaya tumayo na rin siya sa kinauupuan niya at saka dumiretso sa may pintuan.

Bago pa man siya tuluyang makalabas ng pintuan, "Tip of advice lang kuya ahh. Wag na wag kang kakabahan para hindi niya mahalata. GOODLUCK!" at saka karipas niya ng takbo sa may hagdanan.

--

Hmm? Parang ewan naman 'tong si Mia ehh. Palibhasa bunso kaya spoiled brat.

Wag na wag kang kakabahan para hindi niya mahalata. 

Para hindi niya mahalatang ano?

Na gusto ko siya? 

Ehh parang halata na rin naman nung ka-text ko palang siya...

--

About 4:30 na nang makarating ako sa meeting place namin. 

Obviously, wala pa siya.

Napaupo muna ako sa isang table sa labas ng store. Para hindi rin naman nakakahiya, umorder na rin ako ng isang Frappè.

By the way, nag-white plain shirt na lang ako and black pants with matching rubber shoes pa. Medyo safe na rin 'tong suot ko. Okay na 'to. Almost one hour din ang tinagal ko sa salamin ahh para lang sa isusuot ko ngayon.Hindi naman ako ganito dati ehh.

Nakakalahati na ko sa iniinom kong kape nang biglang mag-beep yung celphone ko.

1 message received.

Vanessa.

Hi Logan, I'm on my way na. Baka ma-late pala ako, sobrang trafiic kasi ehh, late pang natapos yung shoot. Pasensya na ahh! Don't worry, ililibre na lang kita mamaya, anything you want, pambawi ko man lang sa'yo.

I hit the reply button.

Okay lang. Take your time. Mahaba pa naman ang oras ehh.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon