Chapter Fifty-Seven

110 2 3
                                    

POV: Angela


"Malamang gusto kong malaman! Tingnan mo nga 'yang nangyayari sa'yo, sa kakasarili mo ng problema mo, naiipon na lang! Kaya ka ba uminom dahil diyan? Pwede mo naman akong kausapin ehh. Bestfriend mo ko, malay mo makatulong ako." kahit sobrang nangungunot ang noo niya, nandoon pa rin ang bakas ng pag-aalala sa mukha niya.


Gusto ko siyang sigawan! Gusto kong sabihin sa kanyang, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yung problema ko kasi hindi niya rin naman magagawan ng paraan! Kapag ba sinabi ko noon pa, magagawa niya bang pansinin ako? Magiging mag-bestfriend pa kaya kami?

Pero siguro nga, sana sinabi ko na noon pa. Para hindi na ko nasaktan ng sobra. Tama siya, inipon ko muna lahat ng sakit, kaya eto tuloy at parang mamamatay na ko sa sobrang dami ng sugat na natamo ko. Dapat nga talagang sinabi ko na sa kanya. Na bestfriend ko.


"Gulaman naman ehh. Kung may problema ka magsabi ka, susubok naman ako ng pwede kong magawa para matulungan ka..." may pagdadabog sa boses niya.


Susubukan akong mahalin? Parang ang sakit naman no'n. Lalo na kung nag-fail ka sa subok na ginawa mo. O napangunahan mo na agad ng pagsuko.


"...Isa pa, nangako ako kay Tito Leo. Ano na lang ang sasabihn niya kapag hindi kita tinutulungan, iniingatan o pinapasaya man lang?" Ito na naman ba tayo sa pangako na yan?

"Paniguradong mumultuhin ka na ni Papa ngayon." napabulong ko ng malakas na siyang nagpadirekta naman ng tingin niya sa akin.

Nagtatanong ang itsura niya. Nanatili lang ako sa pananahimik ko at nakipagtitigan na rin sa kanya ng masama. Agad ko ng pinutol ang sasabihin niya ilang segundo ang lumipas.

"Uuwi na ko. Inaantok na ko." walang-gana kong pagpapaalam sa kanya. Ni hindi ko na kinaya pang mag-goodnight. Ehh sa pagod na kong magpanggap. Pagod na kong maging hindi okay pero kailangan kong magmukhang okay para lang hindi niya mahalata.


Nakalampas na ko sa kanya nang bigla niyang hinila ang kamay ko. Napaharap muli ako sa kanya. Mas lalo pang nangibabaw ang pagtatanong na bakas sa mukha niya. "Ano ba kasing problema? May nagawa ba kong masama? Is this about Ruth? Dahil ba nahuli na naman nang pinakilala ko siya sa'yo? Dahil ba—?"

"Manhid ka ba talaga?!" napasigaw ako sa kanya saka bawi ko sa kamay kong mahigpit niyang hinawakan kanina. Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa mata. Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita ng mas mahinahon. "O talagang ayaw mo lang pansinin?"

Nangunot ang noo niya. "H-hindi kita maintindihan. A-ano bang sinasa—"

"Mahal kita Logan!" pagputol ko sa kanya.

Bigla siyang napaatras dahil sa nasabi ko. Sige lang naman ang tulo ng mga luha ko hanggang sa humihikbi na ako. Ang hirap ng huminga, sobrang sikip na ng dibdib ko. Pero kailangan niyang malaman ang totoo. Ayoko nang palalain pa ang sakit na nararamdaman ko.

"Mahal kita!" muli kong pag-anunsyo. Nakita ko lang siyang umiling-iling, sobrang naguguluhan sa nasasabi ko ngayon.

"P-paanong—"

Muli ko siyang pinutol. "Hindi ko alam kung pa'no, kailan, saan o bakit kita naging mahal. Dumating lang yung araw na hindi ko na kayang magsinungaling sa sarili ko. Na hindi ko na kayang sabihin ng paulit-ulit dito sa puso't utak ko, na hindi naman kita gusto. Na wala lang yung nararamdaman ko." Tumulo na naman ang mga panibagong luha. "Pero wala ehh, nangyari na. Minahal na kita mas higit pa sa pagiging bestfriend ko."

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon