Chapter Thirty-Five

130 12 0
                                    

POV: Angela

Natapos ang summer vacation nang wala pa ring progress sa sitwasyon ko patungkol sa damdamin ko kay luga. Hindi ko talaga kayang sabihin sa kanya. Ayokong isaalang-alang ang friendship namin dahil lang dun. Atsaka, meron na siyang Vanessa ngayon, ayoko nang makigulo pa.

Hmm? Hahayaan ko na lang mapawi ang nararamdaman ko sa kanya. Wala na rin naman siya sa academy this coming school year, makakapag-move on na ako. Tsaka magiging busy na rin siya sa college kaya panigurado minsanan na lang kami magkikita. And to add, for sure naman lagi niya ring kasama si Vanessa kung sakaling magkaroon man siya ng time.

About kay Matthew naman, mapapakiusapan ko rin naman siya siguro. Hindi ko talaga kasi kayang magtapat sa napaka-crucial na sitwasyon. Magiging magulo lang ang lahat.

--

"Goodmorning, classmate... for the fourth time!" pambungad na bati ni Mr. Jaspher John Chua, ang Top 2 sa entrance examination nun (**rolled eyes**), na nakatambay sa pintuan ng panibagong classroom namin.

"Goodmorning." nakasimangot at pilit ko namang reply sa kanya. 

Ano na naman kayang panibagong pagmamayabang ang sasabihin nito?

"Graduating na tayo. Sino kaya ang magwawagi sa'tin ngayon?" dagdag niya pa.

Oh, the honor roll then! Tinanong ko ba siya? Statement naman ang naging sagot ko ahh. Tsk.

"Sa tingin mo? Don't worry, I'll give you some way para makausad, baka sabihin mo namang nagiging madamot ako. But don't expect that I will let you be on the top, Jaspher. Now, will you please excuse me? Ayoko na kasing masira pa ang umaga ko ehh." nakataas kilay kong sagot sa kanya. Mukhang na-gets niya rin naman ang naging message ko kaya nagbigay rin naman siya ng daan. Dumirediretso na ako sa upuan ko while I can glared at him na biglang sumama ang itsura.

Kung kaya niyang sirain ang umaga ko, mas kaya kong gawin sa kanya iyon in return.

Syempre, as expected, the whole day of first day is all about essays. Ano ba namang bago?

Wala rin namang masyadong ginawa. Kaunti rin ang mga pumasok na teachers, most especially, students. May jet lag pa sa bakasyon. Obvious rin naman maging sa mga pumasok sa araw na 'to, puro ganito lang kasi ang maririnig mula sa kanila:

Saan kayo nagbakasyon? Kami sa blablablablablablabla...

At isa pa:

I just had the most wonderful vacation... (kahit last year, yun din ang sinabi niya)

Kung ako naman ang tatanungin niyo, ang tanging masasagot ko lang: OKAY LANG!

Such a safe answer for a nonsense thing to be asked.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon