Chapter Eight

281 21 0
                                    

POV: Angela

<Entry 1.27>

"Hey MINE!" pang-gulat ng isang lalaking panigurado ay nagngangalang 'Matthew'. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa'kin ng 'mine' ehh.

"Ay, baklang buntis!" napasigaw ko na lang (bigla niya kasing hinawakan yung bewang ko, ehh may kiliti pa naman ako dun.)

"Weh? Di nga?"

"Malay mo lang!" frank kong sagot (malay niyo di ba? sa panahon ngayon, wala ng imposible!) "Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Well, my mother - your future mom-in-law - told me to follow my dreams and I just did" (CORNY!)

"Haha, nakakatawa! Ano ba kasing kailangan mo?"

"Your hand? So I could fit you this ring!" (WALEY!) sabay pakita niya ng isang ring na gawa sa santan flower.

"Uupakan na talaga kita! Hindi ka pa talaga magsasalita ng maayos?" inis kong sagot showing my fist over him. 

"Eto na nga po ehh, excited masyado? Nakikipagbiruan lang naman yung tao ehh, masyado ka namang seryoso! Ano ba kasing problema mo?"

"Ako kaya unang nagtanong. And this time, umayos ka na ng sagot kung hindi--"

"Ano? Hahalikan mo ko?" he concluded while releasing some kind of evil smile against me.

"Aba--" akma kong pagsuntok sa kanya kaso nakaiwas naman siya.

"Hehe, ang cute mo talaga pag naaasar." he paused for a while then he continued, "Nandito lang naman ako kasi nandito ka"

I did not bother to ask or punch him one more time, kasi alam kong hahanap at hahanap lang siya ng pwedeng idahilan para humaba lang yung usapan. So I tried, as much as I could, na irapan siya then magwa-walk out na sana, kaso...

"Totoo na yun ahh... Nakita kasi kita dito ehh, ang layo naman ng tanaw mo, ehh nandito lang naman ako." he explained

"Di ka ba busy for the prom bukas?" 

--

Bukas na nga pala yung awaited event ng lahat ng seniors and juniors - JS prom!

--

"I guess... no!"

"Ehh di ba wala ka pang ka-date sa prom niyo, bakit di mo kaya siya gayahin?" I asked him while I signally fixed my eyes over the guy, na parang magpo-propose sa isang girl sa quadrangle, when in fact it's just some kind of asking her to become his prom date.

"Eeww, ayoko nga. Hindi naman ako gaya-gaya ehh." ('The Originals' - isa daw siya diyan!) "Tsaka gusto ko kasi sana ikaw yung prom date ko"

"Out of the scope kaya yung mga sophomores sa JUNIOR-SENIOR prom na yan. Atsaka, as if naman na papayag ako noh?"

"Bakit naman hindi?"

"Ayoko nga, lalo na sa'yo!"

"Ahh basta, ikaw ang prom date ko next year ahh..." (oo nga pala, next year junior na ko and he's senior kaya pwede ngang mangyari yun.)

"Di naman ako sasama sa prom na yan ehh"

"Why?!? Hindi mo ba alam na pinaplano mong sirain ang highschool life mo?"

"Ano 'to, sumpa lang? Sino bang witch ang nag-cast ng spell para sa JS prom na yan nang masabihan ko nang tapusin na, masyado kayong nagkakandarapa diyan ehh."

"Sus, palibhasa hindi ka pa kasali dito kaya parang wala lang sa'yo ang most important event ng highschool studes..."

--

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon