Chapter Forty-Four

93 8 0
                                    

POV: Logan

Babe, I missed you. May we talk?

Still busy? I can't wait for you to come back. Matatagalan ka pa ba diyan?

I love you, Vanessa. Never forget that.

Kanina ko pa pinaglalaruan ang cellphone ko. Kanina ko pa hinihintay ang mga reply niya. 

"Anthony, may ginagawa ka ba? Patulong naman ako." nagulat ako sa babaeng nagsalita. Nang lumingon ako, nakita ko si Ruth na nangungunot-noo dahil sa bigat ng mga dalahin niya. Agad ko ring sinalubong ng kamay ko ang isang box na nadulas pa sa pagkakahawak niya.

"Akin na nga yang mga dala mo." agad niya rin namang binigay sa'kin ang mga yun. Nagpasalamat din siya pero nginitian ko lang din siya.

"Buti na lang nakita kita, kung hindi basag na siguro yang nasa box na yan." naka-pout niyang tugon pa sa'kin.

"Babasagin lahat 'to? Ano ba 'to mga baso?" naitanong ko sa kanya. Agad ko ring sinilip ang isang box pero bago ko pa man ding masilip ang laman nun, agad na rin siyang dumugtong.

"Joke lang. Puro libro lang naman ang laman niyan. Napaka-importanteng mga libro. Kaya mahirap na kung madumihan man lang."

Napatango din ako sa sinabi niya. Nagpatuloy na lang kami ng lakad. 

Dumiretso kami sa library kung saan daw niya isusurrender ang mga librong dala niya. Nagpaalam na ko na aalis na rin pero pinigilan niya ko. Ililibre niya daw ako kasi tinulungan ko siya. Hindi na ko humindi pa dahil magpupumilit lang 'to.

"Tara sa isawan ni Mang Teban!" at agad niya na akong hinila papunta doon sa sinabi niyang isawan.

"Pasensya na ahh, hindi pa kasi ako binibigyan ulet ng allowance ni Mrs. Sandoval. Kailangan ko munang magtipid-tipid sa ngayon."

Magkasama kami ni Ruth sa iisang program. Scholar siya ng university, and at the same time, scholar din ni Mrs. Sandoval. Isa rin siya sa mga bestfriends ko ngayong college. She actually reminds me of Gulaman. Magkasing talino, magkasing kulit. Namimiss ko na nga ang bestfriend kong yun. Simula ng mag-college ako, bihira ko na lang siyang makausap. Nagkaproblema pa kaming dalawa nitong nagdaang araw, buti na nga lang at kinausap niya rin ako kaagad.

"Malapit na ang Christmas vacation ahh. Anong plano mo?" natanong niya matapos niya akong abutan ng isang plastic ng softdrinks.

"Sa bahay lang siguro." paikling sagot ko naman. "Hmm? Ikaw?"

"Uuwi akong probinsya. Doon ako magcecelebrate ng holidays, sobrang miss ko na kasi ang pamilya ko. Kahit by two weeks lang, makasama ko sila." 

Napatango na lang ako. Hanga rin ako sa kaibigan kong ito. Titiisin niyang mawalay sa pamilya niya para lang matupad niya ang mga pangarap niya para sa kanila.

"Oo nga pala, advance Happy birthday! Wala ako dito sa birthday mo kaya mabuti nang mauna. After four years na lang ang regalo mo ahh, wala akong budget ehh." nangiti na lang ako. 

"Ayos lang yun. Pero after four years ahh..." napatawa na lang siya tsaka tumango-tango.

"Pa'no ba yan, alis na ko ahh. Baka hinahanap na ko ni Mrs. Sandoval. Alam mo naman yun. Bye!" pagpapaalam niya. Ngumiti na lang ako bilang tugon. Agad niya rin namang naintindihan yun kaya kumaripas na rin siya ng takbo.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon