Chapter Three

554 20 1
                                    

POV: Angela

<Entry 1.6>

"Pa,

First day ko po ngayon sa highchool. Nakaka-mesmerize pero more of like, nakaka-excite?

Masyado na agad nag-fast forward ang mga pangyayari ngayon. Marami na agad akong nakilala at kinaiinisan. Ganun po ba talaga pag highschool, a lot of exciting events? 

Akala ko nang una, I will only be wasting my four years spending in the world of highschool pero as to what I had proven this day, malabo ata yun.

Mali nga po siguro yung nararamdaman ko kanina kahit sa mga oras na 'to, pero I admit, kinilig din po ako sa sinabi ni Matthew, playboy bestfriend ni Manong Logan.

"And you know what? I think I just fell in love!" yan lang naman po ang mga katagang iniwan niya sa isipan ko. 

Don't worry, Pa! Hindi ko naman hahayaang ma-inlove ako dun noh, baka masaktan lang ako. And bata pa nga po ako di ba? Kaya hindi ko muna iisipin yang LOVE na yan. Crush na lang Pa, pwede? hehe, syempre joke lang po yun. Steady ka lang muna diyan Pa, I can still manage."

 --

Remember the notebook na sinabi ko nung una? That was given to me by my Papa?

Noong una, di ko alam kung ano ang gagawin ko sa notebook na'to. Or even the things that I'm going to write here pero nung mawala si Papa, na-realize ko na rin kung bakit binigay niya sa'kin 'to. Ito ang magiging daan para masulat ko ang gusto kong sabihin sa kanya kahit wala na siya ngayon (Papa's girl kasi ako, lahat ng nangyayari sa'kin sa araw araw na nagdaan noong nabubuhay pa siya, sa kanya ko unang sinasabi).

Iba talaga 'to si Papa! Kahit wala na siya, lagi niya pa ring pinaparamdam sa'kin na lagi lang siyang nasa tabi ko whenever there's something I want to talk about with or whenever I need someone na I can trust the most.

Masasabi kong, mas close ako kay Papa kaysa kay Mama. Siguro dala na rin ng personality ni Papa pero no matter what's the reason, unique ang samahan namin ni Papa. Bakit? Sa panahon ngayon, kaunti na lang ang mas close sa mga Papa nila and I'm lucky to be one of them.

Na-miss ko tuloy bigla si Papa. Pero I know whereever he is right now, he 's just watching over me. He's just right there by my side, listening to my laughs, moans, screams, pati ang mga inarte ko sa buhay. He's just right here in my heart and will always be the best man in my life.

 --

"I love you, Papa!" bigla ko na lang nasabi habang hindi ko namalayang humahagulgol na pala ako sa kwarto ko and even have myself slept on my study table.

 <Entry 1.7>

"Goodmorning, Gulaman!" bungad na bati ni Logan.

"Anong good sa morning kung ikaw naman ang bumati?"

"Sus, yan ba ang isusukli mo sa panlilibre ko sa'yo kahapon? Ni simpleng smile man lang, wala ba ako this morning?"

"Smile mo mukha mo! Bakit ka ba nandito ng ganito kaaga?"(sinabi ko lang yan, lagi naman siyang nandito mas maaga pa nga kaysa ngayon)

"Sabay tayong pumasok ahh?"

"Ok."

"Pati pag-uwi."

"Oo na, may choice ba ko?"

"Wala."(loko talaga 'to. di man lang tumanggi)

"Maligo ka na nga, ang baho baho mo na! Sabay tayo mamaya ahh, wag mo kong iiwan!" (maka- 'ang baho baho mo na!' naman 'tong luga na 'to, ehh mas umaalingasaw pa nga ata ang kabahuan ng ugali niya)

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon