Chapter Forty-Two

90 7 0
                                    

POV: Angela

Late na akong nakaalis ng school. Masyadong marami ring inasikaso sa Journalism club, especially dahil ako na ang bagong president nito. Nasa seminar ngayon si Jaspher kaya wala ring sumundo sa'kin. Naglalakad ako ngayon sa kabilang street malapit sa'min.

Medyo nag-alangan pa kong tumuloy dahil biglang dumilim ang isang kalye. Sa kinamalas-malasan ko nga naman, ngayon pa napundi itong streetlight na 'to. Tss.

Nagsimula na kong tahakin ang madilim na daan nang biglang may sumitsit sa'kin. Tumigil ako sandali at nakiramdam. Hindi rin ako makapagmasid dahil wala rin naman akong makita sa paligid ko. Tumuloy na lang din ako nang hindi na umulit ang sitsit na yun. Mas binilisan ko nga lang ang lakad ko ngayon.

"Huli ka!" napatili ako nang biglang may humigit sa'kin.

Hindi ko siya makita. Ang tanging alam ko lang ay lalaki itong humigit sa'kin. And it's not a very good thing.

"A-ano pong gusto niyo sa'kin?! E-eto ang wallet ko, p-pati ang c-cellphone ko! Sa inyo na po itong lahat wag lang ang virginity ko! Parang-awa niyo na po! Pakawalan niyo na ko! Marami pa kong pangarap sa buhay!" pang-hihysterical ko.

Narinig kong bigla namang humalakhak ang lalaking ito. Mas lalong dumilim ang lugar kung nasaan ako ngayon dahil napapikit rin ako kanina.

"Hahahahahaha. Sorry Mine but I don't need your wallet nor your cellphone. Marami akong koleksyon niyan noh! Hahahahahaha." 

DAMN YOU MATTHEW SY!!!

Umalis na lang ako sa kinaroroonan naming yun, suot-suot ang kunot na noo at asar na mukha. Ano na naman kayang pakulo nito, at kailangan niya pa kong takutin ng ganun?

"Mine, wait up!" pagtakbo niya papunta sa'kin matapos mairaos ang paghalakhak niyang ginawa kanina.

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso lang ako ng lakad.

"Alam mo kung ako ikaw, hindi ko sasabihin sa magnanakaw na virgin pa ko. Lalo lang kasing magkaka-interes sa'kin yun. I bet you should change that line then." patuloy niya pang pang-aasar sa'kin.

Tumigil ako sandali at inirapan na lang siya. 

"Haha. Sige na nga, hindi na kita aasarin. Secret lang nating dalawa yun. Haha. Pero yung reaksyon mo kanina, woohh, one of a kind. Haha"

"Ano ba kasing sadya mo sa'kin ahh? Dis oras na ng gabi, kung san san ka pa gumagala! Sideline mo ba ang mang-abang ng mga bibiktimahin mong mga babae?" nakataas-kilay kong salubong sa kanya nang muli akong napatigil sa paglalakad ko.

"Wooaahh! Easy Mine! Gusto lang naman kitang makausap kaya ako nandito." pang-awat niya naman sa mga pinagsasabi ko.

Hindi ko pa rin binaba ang isang kilay kong nakataas. Just a warning that I needed a follow-up answer to why he wants to talk to me.

"In fact, I should be the one who's raising my eyebrows. You didn't tell me na sinagot mo na yung Jaspher na yun." pagsukli niya ng pagtaas ng kilay sa'kin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at dumiretso na sa paglalakad ko. I've released too much reactions today, gusto ko nang makapagpahinga. And I don't need to defend myself. This is my life! I have my own decisions.

"Halos masuntok ulit ako ni Logan dahil lang dun. Bakit hindi mo sinabi sa'kin ahh?" halos pasigaw niya nang tugon sa'kin.

"Bakit ko kailangan sabihin, aber! Magbo-boyfriend lang naman ako ahh, what's so big deal with that?" pantataray ko pa sa kanya.

"It is big deal! Kasi hindi mo naman mahal si Jaspher!"

Napatahimik ako sa sinabi niyang yun. "I love Jaspher. I have seen his efforts and that's enough para masabi ngang karapat-dapat lang siya sa pagmamahal ko."

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon