Chapter Seven

242 20 0
                                    

POV: Angela

<Entry 1.23>

“O…” sabay abot ko ng isang box of chocolates, bouquet of red roses at isang sulat na nakapaloob sa isang sobreng pinabanguhan ng deodorant (amoy deodorant naman kasi yung ginamit nilang pabango ehh…)

“Ano ‘to? Para sa’kin? Wow, salamat! I didn’t know, you had this secret admiration on me pala.” bulalas ni Matthew. (remember, na sa kanya ko na lang ipabibigay yung mga basurang iyon kay luga?)

“Admiration ka diyan?! Hindi naman sa’kin galing yan ehh, at hindi rin para sa’yo yan” masungit kong sagot, minsan nakakaasar na rin ‘tong si Matthew ehh, masyado kasing feeling.

“Para kanino pala? Tsaka bakit mo naman sa’kin binibigay kung hindi naman pala para sa’kin ‘to?”

“Para kay luga yan, pinapaabot ng mga stalkers niya. Ikaw na lang magbigay sa kanya niyan, war kami ngayon ehh”

“Hmmm? Bakit naman?”

“To make the novel short? wag mo na lang tanungin, mas lalo na ang naising alamin. Magugulumihanan ka lang!”

“Ok!”

“Ibigay mo sa kanya yan ahh…”

“Opo.” (maka-opo naman, akala mo mas bata sa’kin)

POV: Matthew

Ano bang meron ‘tong Logan na ‘to, ang daming babaeng nagkakandarapa sa kanya. I understand, he’s intelligent, smart, witty, wise, teka isa lang ata yun ahh… Grabe, gumagaling na pala ako sa synonyms ngayon? Akalain niyo yun?

And ‘cause of that, I’d like to dedicate this learning to my newly bought thesaurus dictionary! I found this one kahapon sa pinakasulok-sulokan ng “Book Sale”, for only Php 75.00. Haha.

Anyways, mas matangkad naman ako sa kanya, mas maputi, mas mapupungay naman ang mala-guhit kong mga mata, mas mataas din ang height ng bangs ko and most of all, mas gwapo ako sa kanya. (Agree ba kayo dun?)

Siguro nga, mas malakas lang talaga ang appeal niya sa mga stalkers, kasi ako? Well, hindi naman sa boastful ako pero mas effective lang talaga ang charm ko when it comes to SECRET ADMIRERS!

<Entry 3.2>

“A box of chocolates, a bouquet of red roses and a ‘love letter’ for Mr. Logan Anthony Cruz. Paki-sign na lamang po itong form as to the proof of your acceptance, sir.” pambungad kong bati sa kanya across the vacant room na lagi naming tinatambayan pag nagja-jamming kami. (Jamming of emotions!)

“Ano na namang pakulo yan, ha Matthew?”

“Sungit mo naman! Red tide ka ba ngayon, bro?”(tinalo pa babae kung maka-asta ehh. Bagay nga talaga sila ni mine… bilang mag-bestfriend lang ahh, dahil mine will always be mine forever!)

“Che! Umalis ka na nga lang kung wala ka rin naman palang gagawing matino, can’t you see? I’m busy.”(Of course, I can see! I have my eyes, hindi nga lang halata!)

“O-K!” nasagot ko na lang. “Ito nga pala yung mga gifts mo from your stalkers.”

“Throw it!”

“Bakit naman, sayang kaya!”

“Ayaw mo? Edi sa’yo na lang! Ibigay mo na lang sa mga chicks mo, EXCEPT gulaman!” (uso rin pala ang ‘rebound’ sa gifts eh noh? Sorry na lang but I have my originality running into my veins kaya…)

“Wag na noh, itatapon ko na lang!” naghanap ako ng basurahan para ma-‘throw it!’ na yung mga basura niya.“Bilib din ako sa’yo bro noh? Magkagalit na nga kayo ni mine pero worried ka pa rin sa kanya.”sabat ko habang napaupo sa tabi niya. He’s leaning his head towards his work kasi while I laid my body on the floor watching the old, ALMOST broken ceiling up above us.

BEST-Friend-Zoned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon