chapter 1: His Balls Caught Me off Guard.

6K 78 6
                                    

Chapter 1: His Balls Caught Me off Guard.

Lumayo. Isa yan sa madalas na gawin ng mga nasasaktan. Coping mechanism kumbaga, isang paraan para makalimutan ang sakit. Lumayo ka sa taong nakasakit sayo, lumayo ka sa sitwasyong nahihirapan ka. Hanapin mo ang sarili mo. Libangin ang sarili. Ang pag una sa sarili ang pinaka epektibong paraan para makalimot, maka move on. Nagdesisyon ako na lumayo muna para sa sariling kapakanan ko. Hinanap ang sarili at pinilit na maging masaya.

I am Cedie Villegas, I learned what love is the hard way. Wala eh, tinamaan ng lintik. Hindi naman kasi madali para sa mga tulad ko na miyembro ng LGBTQIA+ community ang makipag relasyon. Madaming mga bagay ang kailangan isipin, kaligayahan mo at kaligayahan ng iba.

Pinili ko ang Baguio para magpalamig ulo at siguro padin ng puso. Hindi ko kailanman naisip na darating ako sa ganitong punto sa buhay ko na kahit saan ako lumingon sa Pampanga ay masakit para sa akin. I needed this, "Me" time sabi nga nila.

Hot coffee, donuts, cold air, and overlooking the city of Baguio. For me this is the best spot sa Mall, yung veranda sa taas kung Saan ang mga coffee shops. Simple pero rock. Sa ilang linggo ko dito sa Baguio halos araw araw ako kung tumambay dito, ewan, I find peace amidst the sea of people who visits Baguio, lalo na kapaag summer.

Iba yung dating ng lugar eh, Iba yung bigay na kapayapaan. Hindi lang tourists spots ang pinuntahan ko, halos pasikot sikot ng siyudad ay pinuntahan ko. Alam mo yung feeling na Walang may kilala sayo at wala kang kilala? I love it. Kung sa Iba nakakatakot yun para sakin it's gives me the feeling of adventure. Exploring places I've never been to.

Maybe you're wondering anong inaaarter ko dito, kasi yun nga tinamaan ng lintik na pag-ibig kaya nagkandaleche ang buhay. Nagkamali ako ng minahal. Nabago niya ako ng hindi ko napapansin, he loved me to the point it hurts.. a lot. He made me do things na Hindi maganda, nakaksira, at higit sa lahat nakapagpabago sa relasyon ko sa mga kaibigan at pamilya ko.

Anyways, natapos na din naman yun at ngayon sinusubukan ko maayos ang laha-

*BLAG*

"Naknang! Aray ah-" Tinamaan ako ng bola sa bandang ulo ko. Di ko Naman ala na may basketball court pala dito? Tatayo na sana ako nang gumulong ang isa pang bola at tumama sa paa ko dahilan para matumba ako. Ayun plakda, napahiga nalang ako. Masakit eh? Napapikit nalang ako habang nakahiga, kumikirot ang ulo ko, ang likod ko.

"Sht! Sorry sorry!" Bunuksan ko ang mata ko at bumungad sakin ang isang lalaki, nakayuko para tignan ako. "Are you ok?"

Sigh.

"Do I look ok?" Sagot ko. Sinubukan ko tumayo pereo pinigilan niya ako. Baka daw may nabali sakin. "Wala akong nararamdaman na masakit, ok? Wala ako Plano humiga dito at mag chill." Napakamot siya ng ulo.

"Here." He offered his hand para hawakan ko, I did. Inalalayan Niya ako para tumayo. Nung nakatayo na ako doon ko napansin na napakatangkad niya, paano? Di ko na kasi maabot ang balikat niya. "Liit mo pala.." He whispered.

"Really? Di man alnbg sorry sasabihin mo lalaitin mo pa height ko?" Again, napakamot nalang siya ng ulo.

Luke's POV

Siguro ok na to, di ko sure na Sinabi sa sarili ko. Kinuha ko ang dalawang bola at dinala sa cashier. Matapos ko magbayad ay dumiretso ako sa isang coffee shop to buy myself a coffee. On the way to a table outside the shop, dumulas sa mula sa pagkakahawak ko ang mga bola at tumama sa isang lalaki. Sa pagkagulat Niya ay napatayo siya, bad timing, dumagusgos ang isa pang bola papunta sa paanan Niya that caused him to trip over it.

I helped him up. He has this cute height and cute pair of eyes. Medyo nasungitan Niya ako siguro dahil akala niya sadya ko or nilalaro ko ang mga bola.

"OK na ako." Sabi Niya nang maka-upo na siya. Tinignan niya ang siko niya na medyo namumula, buti nalang at di nagasgasan. Sayang naman makinis niyang balat kung nagka-ganon.

Nag-sorry ulit ako at umalis na. I went home, sa bahay bakasyunan namin dito, ako lang mag-isa na angbakayson dito. Ganon talaga, Hindi na natuloy sumunod papunta dito ang Daddy dahil sa trabaho. I grew up na laging ganon, mangangako na kasama siya pero last minute Hindi matutuloy. Naging ganon na siya since nawala si Mommy.

Di ko din nainvite na mga kaibigan ko dahil medyo biglaan. Mas lalong hindi ko maiinvite ang syota ko dhil wala naman! Hahaha! Single life nga naman. Alam niyo ba yung kasabihan na "MAHIRAP MAGING GWAPO"? Parang nararamdaman ko yun, hindi naman sa pagmamayabang ah pero ang Hirap makahanap ng seryosong relasyon. Siguro dahil na din stereotype na kapag Varsity player ng basketball eh babaero or Hindi makuntento sa partner. Madalas din ako mabusted dahil ang iniisip nila lolokohin ko lang sila. 'Semi-kalbo' 'Matangkad' 'Basketball player' parang sumisigaw na HOY! BAD BOY AKO! Pero ang Totoo normal lang ako na chickboy, Pwede sa chicks, Pwede sa boy. Stick to one to no, di man obvious pero yun ang totoo. Sinubukan ko na di kasi ang magpaka-bad boy, nagrebelde ako sa Daddy ko dahil wala na Siyang Oras para sa akin. I abused myself with drugs and alcohol. Pero I met a girl na binago ako, tinulungan niya ako magbago at maintindihan nag sitwasyon namin nang Daddy ko.

9PM

Plinano ko na magpunta sa isang Pub dito, sikat siya dahil sa spoken poetry performances tuwing weekend. Tamang beer at Tamang kinig sa mga poetry. Pagdating ko sa pub Hindi pa ganoon karami ang tao, siguro kalahati lang ng pub ang may tao. Simple ang lugar, very indie, chill lang at Hindi loud. Bagay na bagay sa lamig ng lugar at sa magagaling na performances. Nung umupo ako ay kapansin pansin na madami ang napatingin sa akin. Siguro iniisip nanaman nila kung ano ang ginagawa ko dun, di talaga ata belong ang looks ko dito. Parang mukha akong mantitrip. I sat and ordered beer. Nung tinawag sa stage ang unang magpeperform doon na nila binawasan ang ilaw. Kahit dim ang liwanag hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang pamilyar na mukha. Nakatingin siya sa akin. He looks flushed, halatang nakainom na.

Pinagmamasdan ko siya habang nanonood sa performer. Parang damang dama Niya ang bawat salita, bawat diin ng pagkakabigas, he can relate. Napapaninom nalang siya ng beer. Nang tawagin na ang pangatlo at huling performer ay Hindi ko na siya makita, wala na siya sa upuan niya.

"Loko yun, nalasing siguro kaya umuwi na." Sabi ko sa sarili ko.

After the performance nag cr lang ako at nagpasya nang umuwi. On my way to the parking napansin ko ang isang lalaki na nakahiga sa isang bench sa parking area. Mukhang hinimatay. Nilapitan ko dahil baka ano na ang nangyari.

"Sir? Ok lang po ba kayo?" Dahan dahan ko iniharap sa akin ng lalaki at nakitang si Small but terrible pala. "Sabi ko na nga ba lasing eh." Mukhang ok naman na siya doon kaya nagpasya ako na umalis na. Pagkasakay ko sa sasakyan ko ay napansin ko na may mga lalaking pumalibot sakanya, balak ata siyang pagnakawan. Bumaba ako sa sasakyan ko at nilapitan sila.

"Hoy! Anong ginagawa niyo?!" Sigaw ko sa mga ito. Nagsitakbuhan naman sila palayo.

Sinubukan ko Siyang gisingin pero puro ungol at "iHiwaaann mOoo kOoooOO ditoo" narinig ko. I really wanna go home dahil gabi na, ayoko Naman siya iwan dito dahil konsenysa ko nalang kapag napano to. Leaving me with no choice, binuhat ko siya at pinatong sa balikat ko. Narinig ko pa Siyang magdabog pero Hindi na pumiglas. Nasa bandang mukha ko ang matambok niyang likuran, kung manyak lang ako Baka napano na to. Buti nalang mabuting nilalang ako. Hahaha!

End of Chapter 1

Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon