Chapter 5: What matters most.
Luke's POVSobrang awa at galit ang aking nararamdaman. Naawa ako kay ced, dahil sa sobrang pagmamahal niya kay jake ay nabulag siya nito. Hindi na niya nakikita ang mga pangaabuso sakanya. Bilib din ako kay ced dahil kung magmahal ito ay tunay at purong puro.
Sumisikip ang dibdib ko habang nagkekwento si ced. Sobra sobrang kagaguhan at kabastason ang ginawa niya kay ced.
Kahit na buong-buo ang pagmamahal niya kay jake hindi ito nakita, binahiran pa ng dumi ang pagkatao ni ced. Tsk. Bobong tanga. Hindi niya alam kung gaano siya kaswerte dahil kahit ganoon siya kabarumbado ay may nagmahal sakanya ng tunay at tapat. Nakakapanghinayang kung iisipin dahil sobrang kasayangan ang ginawa nito.
Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung naawa ba ako o naiingit kay jake, inggit dahil minahal siya ng tunay n iced. Gusto ko din ng pagmamahal na binigay ni ced kay jake.
Kung pagmamahal man ito para kay ced ay hindi ko pa masasabi ngayon. Kahit ayaw man ni ced dahil hindi pa siya handa ay ayos lang sa akin kahit magkaibigan lamang kami.
Sa ngayon ang priority ko ay maprotektahan siya kay jake o kahit kanino mang may balak siyang gaguhin. Ayaw ko nang may maulit pa na ganong kabalastugan sakanya. Kung ano mang gumugulo saking damdamin ngayon ay hindi ko talaga muna masabi.
Pero nung sinabi niya na baka magbago tingin ko sakanya biglang may pumasok sa aking isip na kung anong kabalastugan, ano nga bang pagtingin meron ako sakanya? Alamin natin yan! Sino naguguluhan sakin? Me.
Pagkatapos niya magkwento ay iyak lang siya ng iyak. Ramdam ko ang sakit ng loob na kanyang nararamdaman. Niyakap ko siya at sinubukang patahanin hanggang sa makatulog siya na nakayakap sakin.
Binuhat ko siya mula sa terrace hanggang kwarto ko, medyo may kabigatan pero mas gusto ko siya ibuhat kesa sa mga binubuhat ko sa gym hehe. Yabang.
Inihiga ko siya at pinunasan ang mukha. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapitan, kahit nasa hitsura niya ng medyo may pagka badass parang hindi ko magagawa ang nagawa ni jake sakanya. Shabu nga naman.
Nang maayos ko na ang pagkahiga niya at nasiguradong comfortable na siya ay papasok na sana ako sa banyo upang makapaglinis man lang ng katawan nang bigla siyang nagsalita.
"Luke samahan mo muna ako."
"Oo. Magbabanyo lang ako." Sagot nito.
"Sige."
Paghiga ko sa tabi niya humarap siya sakin at tinawag ako.
"Luke mababa nab a ang tingin mo sakin?"
"Hindi at kahit na gaano ko isipin ay hindi ko magawang bumaba ang tingin ko sayo, isa kang tunay kung magmahal. Sa totoo lang idol na nga kita eh, ang tapang mo. Sayang nga lang ay binalewala lang ni Jake ang binibigay mong pagmamahal sakanya."
"Buti ka pa na-appreciate mo ako.. kung pwedeng ikaw nalang.. kung pwede lang sana.."
Nagulat ako sa sinabi niya. Sagot kaya ako ng 'oo, ako nalang!' pero di ko kaya. Torpe, ayaw ni ely buendia iyan!
Nang pasagot na sana ako ay nilingon ko siya kaso tulog na. Sayang. Kung ako lang talaga si Jake ay hinding hindi ko sasayangin ang bawat araw na meron kaming magkasama, pupunuin ko ito ng magagandang memorya.
Sigurado na ako, nahuhulog na ako.
Cedie's POV
I woke up because of the intolerable pain I can feel in my head. Shit. Naalala ko ang lahat ng nangyari kagabi. Kahit medyo nalasing ako ay aalala ko ang mga ginawa at sinabi ko. Ang pagkwento ko kay ng ginawa ni Jake.. ang muling pag-iyak ko dahil sakanya.
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Teen FictionThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...