Chapter 25: I Love You.
Cedie's POV
Masakit ang lokohin lalo na nang taong mahal at pinagkatiwalaan mo. Masakit ang magmukang tanga. Ibinigay ko lahat ng pagmamahal ang meron ako sa puso ko, yan ang mali ko. Hindi nanaman ako nagtira para sa sarili ko.
Hindi na ako natuto. Kahit minsan na akong naloko at naabuso, hindi pa din ako natuto.
Masakit ang malaman na may nangyari kay Luke at kay Sheila. Ang buong akala ko ay wala siyang oras, busy. Yun pala busy sa pagapapkasasa sa Ex niya. Nakakatawa ako, niloloko na pala ako ng di ko alam. Naghihintay pa din ako at pilit umiintindi sa taong akala ko ay tapat sa akin.
Pinilit ko namang intindihin ang nga maaaring dahilan kung bakit niya nagawa yun pero lalo lang nasasaktan ang loob ko. Hindi ko alam kung nagkulang ba ako sa pagintindi o paganalalisa ng mga nangyayari, but i only come up with one possible reason.. naguguluhan na siya.
...
Lagi na lamang ba akong masasaktan at lolokohin? Mukha ba akong isang laruan? Siguro mukhang tanga pwede pa. Kasi kung ituring nila ako ay parang ang tanga tanga ko. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng nangyari ay hindi ko magawang magalit sakanya. Hind ko alam kung paano ko ilalabas ang hapdi na nararamdaman ko. Kahit anong iyak ang gawin ko ay andoon pa din. Mukha parin akong tanga. Masakit pa din.
Limang araw na ang lumipas ng magusap kami ni Luke. Sinubukan niya akong kausapin, pero hindi ko kaya. Hindi pa ako handang magmukhang tanga lalo. Bakit pa? para saan pa? Malinaw naman na.
"Cedie, eto ang pagkain mo. Iwan ko dito sa tapat ng pinto mo."
"Opo, manang. Salamat."
Sa limang araw na para akong isang robot na wala sa sarili. Maging pagkain ay kinakaligtaan na, sabagay di ko na din naman kailangan pa yan.
Nakapagdesisyon na din naman ako.
Maraming beses na akong nasaktan, linoko at pinaglaruan. Maraming beses na ako umiyak dahil sa lalake.
Maraming beses na din akong binastos. Lumaban ba ako? Hindi. Tanga ako eh. Mahina.
Maraming beses na din akong iniwan. Hindi lang ng syota kundi pati pamilya.
Kahit anong gawin ko, walang may kayang magmahal sakin. Akala kasi nila masaya ako dahil nakukuha ko gusto ko. Di man lang nila natanong kung masaya nga ba ako.
Lumaki akong parang walang halaga sa magulang ko. Binibigay lahat ng gusto ko. Pero ang attensyon nila ay laging sa negosyo at trabaho. I was never a priority. Naaalala ko pa nun, 1st Honor ako nung prep ako. Walang magulang ang pumunta upang tanggapin ang medal ko. Ni hindi nga nila alam na 1st honor ako eh. Tuwing naaalala ko yun ay naaawa ako sa sarili ko, simpleng bagay lang hindi ako mapagbigyan. Konting oras lang hindi ako mabigyan. Hanggang ngayon pa din bang matanda na ako, oras pa din ang hinihiling ko? At hindi pa din ako mapagbigyan.
Mahirap ang mag-isa. Wala akong masabihan. Wala akong makausap. Nakakasawa na eh. Nakakapagod na ang ganito. Laging sarili ang kausap. Laging sarili ko lang pilit ang nagcocomfort.
Hindi ko pa nakakausap ang mga kaibigan ko. Limang araw na kasi akong hindi pumapasok eh. Tutal di ko na din naman kailangang mag-aral.
Malaki ang magiging kasalanan ko sakanila. Hindi lamang sa magulang ko at mga kaibigan ko, kundi maging sa nasa itaas.
Nakapagdesisyon na ako eh, ang tapusin ang lahat. Lagyan ng tuldok ang pasakit na ito.
Binuksan ko ang cabinet sa aking banyo. Kinuha ang isang bote ng gamot. Sleeping pills. Ginagamit ko ito kapag inaatake ako ng insomia. Upang makatulog ako at kumalma. Pero ngayong gabi hindi lang ito magsisilbing pampatulog at pampakalma.
Pampawakas na din ng sakit na nararamdaman ko.
Binuhos ko ang laman ng bote sa kamay ko. Labing Tatlo.
I took a mouthful of them ignoring the bitter taste and the guilt I'm feeling. It was hard swallowing them, i can feel how they pass trough my throat down to my empty stomach.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at kinuha ang pagkain ko na nasa tray. Inilapag ito sa bedside table ko. Hindi ko na nilock pa ang pinto, wala namang makakaisip na puntahan ako eh.
Inayos ko ang kama ko at umupo dito. Kinuha ko ang diary ko na nasa bed side table ko.
Pagkatapos kong magsulat ay humiga na ako.
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo
Siyam
Sampu
Labing isa
Labing dalawa
Labing tatlo
I can feel rush of different emotions. I feel very light and different memories plays inside my head
My eyes felt heavy, giving up, i closed them.
"I love you, Luke. Goodbye."
End of Chapter 25
Forgive me for i have sinned.
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Teen FictionThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...