Chapter 20: End of the Raging Storm.
Dedicated to Marklgc15. May lihim po kami na hindi pwedeng sabihin :)
Tulad ng isang bagyo, natatapos ang mga problemang pinagdadaanan ng mga tao. Kahit gaano man kalakas at madelubyo ang bagyo darating at darating ang Araw upang tapusin ito. Maayos ng muli ang buhay ni Cedie, Masaya at walang problema sakanilang relasyon ni luke.
Nalaman na ng lahat ang tubgkol sa tunay na pagkatao ni Lucia, hindi lang pagkatao kundi pati Ugali nito.
Matagal nang magkakilala Ang nga magulang ni Ced at Luke. Lalo na si Dawn at ang tunay na nanay ni luke na si Francine, magbestfriend sila simula highschool nila ngunit ng matapos nila ang college ay lumipad papuntang New York si Dawn upang maayos ang papel niya roon. Matagal silang hindi nagkita mula noon, tanging Liham lamang ang komunikasyon nila. Makalipas ang sampung taon ay umuwi na si Dawn mula sa New York, ikakasal na ito sakanyang kasintahan sapagkat buntis ito, nalaman naman niyang kakapanganak lang ni Francine ng makaraang buwan, kasama ng magandang balita ay isang balitang nakapagpalungkot sakanya. Namatay sa panganganak si Francine. Nakakalungkot man ay hindi nila nagawa ang pangako nilang sila ang magiging Bridesmaid ng isa't-isa at Ninang sa mga magiging panganay nila. Naalala pa ni Dawn ang dalawang kwintas na nasa Bahay ng lolo niya, iyon ay ang mga kwintas na nakalaan sa mga magiging panganay nila.
Hindi na niya nagawang ipakilala ang anak niya sa anak ng kanyang matalik na kaibigan dahil umalis na si Henry sa pampanga kasama ang anak niya.
Ampon si Lucia ng pamilya ni Dawn at dahil doon ay walang amor sakanya ang Briton nilang Lolo. Lahat ng atensyon ng matanda ay napupunta sa batang Dawn at hanggang sa nagdalaga ito. Kaya nang mamatay ang lolo nila ay 70% ng Mana ay kay Dawn. 10% lamang ang kay lucia at ang natitira ay hinati sa mga Iba pa.
Nagka-anak si lucia at henry, siya si Luciano. Naging mabuting kuya si Luke dito kahit na Half-brother niya lamang ito. Itinuring na itong tunay na kapatid at kailanman ay hindi itinuring na kaagaw.
Kung titignan sa Papel ay magpinsan si Luciano at Ced. Pero wala silang parehong dugo na nanalaytay sa kanilang mga ugat at hindi naman anak ni Lucia si luke kaya wala itong koneksyong pang-pamilya kay Ced kaya maari nilang ituloy ang kanilang pagmamahalan.
Cedie's POV
Nakakairita, sobrang ingay. Ang lakas ng music, kala mo bagong taon. Ano nga ba ang inaasahan mo sa isang Super Club. Bakit pa kasi ako sinama dito. Alam naman ni Chloe na wala ako sa mood para mag-club. Sino ba naman ang gaganahang mag-club kung nasa sitwasyon ko siya diba? Nakakawalang ganang lumabas ng bahay. Kapag naiisip ko pinagdadaanan namin ni luke ay para akong nawawalan ng gana, nanlalambot, nagiging bugnutin.
Pinapanood ko lang si chloe at iba pa naming kabarkada na sayaw ng sayaw. Sige lang iyugyog niyo pa yan. Tignan lang natin bukas kung makagalaw pa kayo, mamaga sana mga muscle niyo! Bwiset!
"Oy ced! Di ka ba sasayaw?!" sigaw ni kelvin sakin. If i know gusto mo lang sumayaw diyan paa makatantsing ka sa mga girls diyan. Dadamay pako neto.
"Yoko!" sigaw ko pabalik.
He just gave me his 'K' Face. Bwisit. Naiirita talaga ako sa ingay at naiinip nako. Umorder nalang ako ng maiinom at mapupulutan. Kung pwede lang umalis na, nako, kanina pa ako nasa bahay. Kaso pupunta daw si luke eh. May sasabihin daw.
"O ano pagod na kayo no?" Tanong ko sakanila.
"Ayos lang, enjoy naman. Di tulad ng iba, kj!" Parinig ni Chloe.
![](https://img.wattpad.com/cover/3759620-288-k880730.jpg)
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Novela JuvenilThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...