chapter 9: Drama begins 1.1

1.6K 31 2
                                    

Chapter 9: Drama begins 1.1

dedicated to juribee dahil siya po ang gumawa ng cover. sobrang salamat po:)

Cedie’s POV

pagdating ko sa lobby nakita ko kaagad si luke. di ko maunawan yung mukha niya, parang di matae na kinakabahan na walang tulog na pagod na natatakot na ewan.

"luke.. may problema ba?"

"uhm. kailangan nating magusap.."

kinakabahan ako. it must be really important.

"okay sige.."

naglakad lakad kami papunta sa may dalampasigan. nakakatitig lang siya sa nilalakaran namin. kinakabahan na talaga ako.

lakad pa din kami ng lakad. parang wala namang patutunguhan tong ginagawa namin. nahihiya naman akong magtanong kung ano talaga ang sasabihin niya. baka kasi isipin niya na masyado akong atat.

malayo na rin nalalakad namin mula sa villa.

"ced.. naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?"

"oo naman. sa sm baguio. nakatunganga ako tapos bigla nalang may nagbato ng bola sa akin"

"alam mo naman na hindi ko sinadya yun diba?"

"oo, naipaliwnag mo na diba."

"naalala mo pa ba yung sinabi ko about sa mga naging ex ko?"

"oo. di naman ako nagkaamnesia no! diretsuhin mo nga ako."

bigla na lamang tumulo ang luhang kanina pa pala namumuo sa mata niya.

"cedie sorry talaga.. sorry.."

"para saan? nguguluhan na talaga ako."

"di ba sabi mo kaya ka lumayo dahil gusto mong makalimot sa ginawa ni jake? ganun din ako.. nasaktan ako ng nakipaghiwalay ang gf ko sa akin.. ang alam ko hiwalay na kami.. pero pagbalik natin sa pampanga.. sinabi niya na kami na ulit.."

ano daw?

"mahal mo ba siya?"

"ced patapusi-"

"mahal mo ba siya?" mahinahon kong tanong.. nasasaktan ako.. hindi ko alam bakit.. namumuo na luha ko pero hindi ko ito papayagang pumatak..

"hindi ko na siya mahal.. hindi na."

"bakit ka pumayag? bakit luke?!"

"wala na ako magawa.. ayoko na talaga. everytime na makipagbreak ako sakanya lagi na lang nauudlot.. akala ko talaga hindi na niya ako babalikan.. akala ko."

"luke maraming namamatay sa maling akala.. maraming nasasaktan sa malaking akala"

"sorry.. sorry talaga. hihiwalayan ko na siya. ikaw ang mahal ko. ikaw."

pagod na ako. ayoko na masaktan pa. tama na.

"luke.. ikaw ang bahala. kung di mo na talaga siya mahal sigurado ako hindi ka pumayag.. tapatin mo nga ako luke.. mahal mo pa ba siya?"

naglakad ako palayo.. sumunod siya. pero tuloy pa di ako sa paglakad.

"naguguluhan ako-"

"yun.. yun na.. pag-isipan mo muna kung sino ba talaga ang mahal mo.. at wag na wag mo akong sasabihan na mahal mo kung may mahal kang iba."

"ced please.."

tuloy ako sa paglakad

Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon