Finale: Start Of Something New.

1.2K 24 12
                                    

Finale.

 I made the finale really simple yet meaningful. Ayoko na pahabain pa at lagyan ng kung ano-ano pa dahil mas gusto ko itong tapusin ng masaya. 

Salamat sa lahat! :)

"What goes around, comes back around."

Cedie's POV

Noon akala ko nagawa ko na lahat ng tama. Akala ko yung mga desisyon na pinili at sinunod ko ay may patutunguhan. Pero nagkamali pala ako. Masyado ako naging sigurado na masusunod ang mga planong nabubuo sa isip ko. Akalain mo nga naman, ayun lumagapak ako at nasaktan. Pero tumigil ba ako? Hindi. Bilib din ako sa sarili ko eh. Akala ko kakayanin ko. Pero di din, humina din ako. Makakalimutan ko ba ang tangkang pagpapakamatay ko noon? Isa iyon sa mga desisyon na hindi ko pinagisipan. Isang kasalanang habang buhay ko nang dala.

Akala ko noon, mali, sigurado ako noon nang sagutin ko siya ay hindi niya ako sasaktan. Maayos naman kami noon eh. Masaya. Minahal niya ako, sobra pa nga sa inaakala ko eh. Nang makikilala ko si Jake, straight siya. Bad boy yun, literally. Suki siya ng Dean's office. Laging Failure due to absenses ang mga subject niya. Nakilala ko siya noon sa tambayan ng mga kabarkada ko, sa bilyaran. Takot ako nun sakanya. Lagi ko kasi siya nakikitang pasulyap-sulyap sakin. Akala ko dahil galit siya sa bakla. Pinakilala siya noon sa akin ng friend ko formally. He was nice. A normal guy, but his attitude differs him from the other. Straight to the point siya. We started as friends then one day I was so heartbroken. Nalaman kong may syota ang pinakamatagal ko nang crush. I was young then. Niyaya ko siya magshot dahil siya lang naman nadatnan ko sa bilyaran. Out of nowhere nagkasundo kami na maging kami na. Mag-On, ba. Hindi kami serious noon. But when our 3rd monthsary came we decided to be serious. Nagtuloy-tuloy na noon. Umayos siya sa pag-aaral. Maayos relasyon namin. Masaya. I thought everything will stay perfect and happy. I was wrong.

His parents divorced. Nabarkada siya. Yung naayos ko na nang ugali niya ay nawala. Lagi siyang nagiinom ng alak, sugal and worse he took drugs. Smoked weeds. Lagi kaming nag-aaway noon. Pero sabi ko hinding hindi ko siya susukuan. Mahal ko eh. Pero dumating ang anniversary namin. The tragedy happened. That time I told myself that I had enough.

...

"Chloe! Ayoko ko to! Masyadong masikip!" I whined.

"Ano ka ba Ced! May skinny jeans ba na maluwang?!"

"Hoy! I wear skinny jeans and I am sure na hindi ito skinny! Leggings na ata ito eh?!"

"Skinny po yan. Suot mo nalang! Ganda ng shape ng pwet mo oh!" She said and laughed.

Nagreready kami para sa party mamayang gabi. Since first timeng ma kaibigan ko dito sa New York ay nagpasya kamin mag-Club. Gagawin namin ulit yung mga ginagawa namin noong college pa kami. Party all night. Drink. Having fun. Minsan lang naman ito eh kaya susulitin talaga namin ang mga high-end clubs dito.

"Chloe, hindi ka naman lalaban sa Miss World. Ang kapal niyan lipstick mo!"

"Duh?! Syempre kailangan mapansin ako ng mga boys! American Boys!" Sabi niya at nagtwerk pa! May isusumbong ako!

Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon