Chapter 21.1: Read Between The Lines.
This Chapter is dedicated to a Girl who made me realize i am not alone and even how tough the situation i am facing there will be an end to it. She kick some sense to me with her 'words of comfort' I love her! I love IIFunLoverII
Cedie's POV
Sabi nila ang lahat daw ng storya ay natatapos. Magkakaron daw ito ng Happy ending. Well, sabi-sabi lang iyon. Bakit may mga kwentong natatapos ng hindi nagkatuluyan ang mga bida? Sad ending yun ah. Simple lang, ang ending nila ay Realidad. Katotohanan.
Sa tingin ninyo yung mga kwentong may Happy Ending tapos na ba mga yun? Siyempre hindi natin alam, hindi naman kasi naikwento ang mga nangyari pagkatapos ng Happy ending na yun eh. Pagkasara ng telon sarado na din ang kwento. Kung paano iyon natapos hanggang doon nalang tayo.
Ang realidad ay ang madalas ending ng kwento nang ating mga buhay, realidad na magtatapos ang ating mga kwento. Kung Perfect Happy Ending ang gusto nating makamit, imposible yan. Wala niyan. Tayo lang ang makakapagsabi kung Happy nga ba ang Ending natin. Nasa atin na lang kung tatanggapin natin ang Ending na nakatakda sa atin. Kung ano man yang ending na yan tanggapin na lang natin in a possitive way.
Sino nga ba ang hindi nangarap sa Happy Ending na yan? Teka ano nga ba ang basehan natinng Happy Ending? Pitong Beses ko na sinasabi ang Happy Ending pero hindi ko pa alam kung ano nga ba ang Depenisyon ko ng Happy ending (Pang walo na to) para sa akin.
Para sa akin kase Ang gusto kong ending ay ang makasal kami. Oo, kasal. I believe in Marriage. Kung ano man ang mga susunod na mangyayari after ng Kasal ay ibang kwento na yun. Simpre, May ending na ang pagiging magsyota namin. Buhay may asawa naman ang susunod.
May mga end din na bigla nalang gigising ang Protagonista at malalamang Panaginip lamang ang lahat.
Ako kaya gigising din ba sa katotohanan? Panaginip lang ba itong sa amin ni luke?
...
"Sir Cedie andito na si Sir Luke." Tawag ni ate sabel mula sa labas ng pinto ko ng kwarto.
"Sige po papasukin niyo na."
Pagpasok ni Luke ay may dala itong paperbag mula sa isang coffee shop.
"Good morning Babe." Bati niya na may kasamang ngiti.
"Good morning din Baby." Sagot ko habang nakatakip ng unan ang bibig ko. Di pa ako tumatayo ng kama eh. "Halika maupo ka sa kama." Dagdag ko dito.
"Uupo lang, di pwede mahiga?"
"Kaw bahala." Sagot ko habang nakatakip pa din bibig ko.
"Nabungi ka ba o ano? Bakit nakatakip yang bibig mo?"
"Eh di pako nagtotoothbrush eh. Morning breath, you know."
"Nako po. Ilang beses ko na naamoy yan. Immune nako." Sabay agaw sakin ng unan.
Oo nga naman. May mga araw talaga na nacoconcious ako. Lalo na pag ganitong kakagising ko lang tapos siya nakaayos na. Di patas eh.
"Ano pa bang di mo alam sakin?" Balik ko sakanya.
"Bukod sa nag-gagurgle ka ng mouth wash Twice, kase it kills 99.9%. Sa pangalawang wash patay na ung 1% ano pa nga ba?"
"Meron pa nga ba?" tanong ko ulit.
"Magaling ka mag-"
"Luke, kung malaswa yan wag mo na ituloy. Baka di ko makain tong dala mo." Sabay kagat sa waffle.
Tinapik tapik naman niya ang Baba niya habang nagiisip ng malalim.
"May napapansin ka bang iba sakin?" Tanong ko ulit.
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Novela JuvenilThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...