Chapter 17: Sacrifice.

1.1K 23 3
                                    

Chapter 17: Sacrifice.

Cedie's POV.

Ang tanging nasa isip ko ngayon ay maayos ang sitawsyon namin ni luke. Kailangang maipakita ko sakanya kung gaano ko siya kamahal, na gagawin ko lahat maging masaya lamang siya.

Ang desisyon na aking nabuo ay aking gagawin. Dalawa lamang ang maaaring mangyari, magtagumpay ako sa aking gagawin o lalo lang lumala ang sitwasyon. Ipinapanalangin ko na sana ay magtagumpay ako. Wala naman kaming masamang ginagawa o ginawa para maranasan namin ito. Iniisip ko na lamang na Pgasubok lamang ito ng diyos, sinusubok kung hanggang saan ang aming kayang gawin mapatunayan lang ang pagmamahal namin. Ikawala ko man ng dignidad ito ay gagawin ko pa din. Hindi ko na hahayaang mawala ang kaisa-isang lalaking nagmahal sa akin ng tunay at walang hinihintay na kapalit.

Siya ang dahilan kung bakit malakas ang loob kong gawin ito. Andito na ako ngayon sa harapan ng building ng taong kailangan kong kausapin. Magmakaawa kung maari.

Tinahak ko na ang daan papunta sa front desk. Kinausap ang Babaeng nakapwesto dito.

"Miss, andito ba si Mrs. Lucia Marie Montemayor?"

"Nasa meeting po. May appointment po ba sila?"

"Wala, kailangan ko siyang makausap. Please."

May pinindot ito sa isang telepono at may kinausap. Magalang niyang kinausap ito.

"Ano daw pong pangalan niyo, sir?"

"Cedie, Cedie Villegas."

Sinabi niya ang aking pangalan sa kausap, tumango ito at muli akong hinarap.

"Mamaya pa daw pong 5pm available si ma'm."

"Pakisabi hihintayin ko siya."

Muli niyang kinausap ang nasa kabilang linya na sa tingin ko ay ang taong pakay ko. Binaba ang telepono at sinabing ako daw ang bahala.

1pm na din naman kaya hihintayin ko siya. Gagawin ko lahat makausap lamang siya. Kailangan ko siyang kausapin para kay luke.

Lumipas ang mga oras at dumating na ang oras na hinihintay ko. Pinapasok ako sa opisina niya at pinaupo sa silyang nakaharao sakanya.

Masama ang tingin niya sa akin. Nalilisik ang mga mata.

"Mrs. Montemayor, parang awa niyo na po. Kausapin niyo po ang dad ni luke na patawarin niya na ito." Maluha luha kong pakiusap sakanya. Pilit ko mang magmukhang desente ay hindi ko magawa dahik naiiyak ako.

"At sino ka naman sa tingin mo para gawin ko yan?"

"Parang awa niyo na po-"

Hindi ko natapos ang sana'y sasabihin ko nang pumasok si Tito Henry. Nabuhayan naman ako ng loob dahil alam kong madali kong mapapakiusapan si tito.

"Tito please, patawarin niyo na po si luke. Parang awa niyo po."

Ngunit nagulat ako dahil tinulak niya ako papalayo na naging dahilan upang ako'y matumba.

"You have no right to ask me what i want to do. Wala kang karapatan."

"Gagawin ko ho ang lahat. Please Tito."

"Lahat?" tanong ni Mrs. Montemayor.

"Opo, kung kaya ko."

"Layuan mo si luke."

Natigilan ako sakanyang sinabi. hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Para bang nawala lahatng pag-asa at lakas ng loob na kanina ay baon ko.

"w-wag naman pong ganyan. parang awa niyo na po"

Lumuhod ako sa harap ni tito henry at humawak sakanyang Sapatos. Bigla naman akong hinila pataas ni Mrs. Montemayor at sinampal nang subukan kong magsalit ay sinampal niya muli ako sa kabilang pisngi ko.

Pinatigil naman ito ni Tito henry at pinalabas ng opisina. Muli akong nabuhayan ng loob.

"Tito please."

"Ced, umuwi ka na. Hindi na magbabago ang aking desicion. Mas makakabuti kay luke kung lalayuan mo siya."

"Hindi tito, mahal ko ang iyong anak. Parang awa niyo na po." muli akong lumuhod sa harap ni tito.

"Maawa ka naman sa sarili mo."

"Parang awa niyo ho, kayo lang po ang pamilyang maituturing ni luke. Mahal na mahal ka niya tito. Nahihirapan at nasasaktan siya."

"Bakit sa tingin mo kapag nalaman niya ang tunay mong pakay kung bakit mo siya nilalapitan ay hindi siya masasaktan? ha?!"

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni tito. Anong pakay? Ano ang kanyang sinasabi?

"Tito hindi ko kayo maintindihan"

"Alam mo kung ano ang sinasabi ko. Guard ilabas niyo ang mukhang perang ito!"

Binuhat ako ng dalawang guard at pilit na inilabas. Nagmakaawa ako kay tito ngunit pinalabas pa din niya ako. Paglabas ng building ay hindi ko mapigilang manghina at mapaupo sa harapan ng building nila. Hinang hina ako.

Hindi man ako nagtagumpay ngayon ay susubok padin ako sa mga susunod na pagkakataon hanggang sa makita ni tito ang sinseridad ko.

Gulong gulo ang isip ko ng umuwi ako. Dumiretso sa kwarto at nakatulog.

End of chapter 17.

Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon