Chapter 26: Point Of No Turning Back.
Luke's POV.
Sa totoo lang wala akong maalala sa mga nangyari ng gabing yun. Bukod sa paginom at paguwi ko kasama si Sheila ay wala na... Maging ang pagtawag ni Ced at nakasagot ay si Sheila ay hindi ko maalala. Alam ko nasaktan ko siya pero hindi ko ito ginusto. Gusto kong sisihin si Sheila dahil alam ko na sinadya niya ang sagutin ang tawag. Nararamdaman ko. Pero kahit anong pilit ang gawin ko hidi ko siya mapaamin.
Dalawang linggo na ang nakalipas ng makipag-cool off si Cedie. Pero hindi ako pumayag. Galit na galit lang siya kaya niya naisip yun, may karapatan siyang magalit sa akin, pero sana hinayaan niya muna akong magpaliwanag. Sana pinakinggan niya muna ang totoong nangyari. Isa lang ang nasisiguro ko, walang nangyari sa amin ni Sheila dahil-
"Kailan mo siya balak puntahan?" Biglang tanong ni Patrick.
"NakaOff ang phone niya. Ayoko naman pumunta sa bahay nila baka kase di din nila ako papasukin."
"Tangna. Sabihin mo naduduwag ka. Pare naman, ngayon ka pa ba susuko? Puntahan mo siya ngayon na. Tangina mo puntahan mo siya!"
"Oo na! Makamura."
Kaagad na ako pumunta sa kotse ko at tinungo ang bahay nila Ced. Wala silang pasok ngayon sabi ni Chloe at sinigurado niya na nasa bahay siya.
Bandang 9am na nang makarating ako sa tapat ng bahay nila. Kaagad akong nagdoorbell.
"Sir Luke kayo po pala." Bati ni Ate Sabel.
"Si Cedie po?"
"Ay.. Hindi pa po gising eh."
"Pwede bang ako na gumising sakanya?"
"Ah.. eh.. kayo po bahala sir."
Bago ako tumuloy sa kwarto niya ay pinaghanda ko muna siyang almusal, waffles, paborito niya. Nang maayos ko na ang almusal niya ay pumanhik na ako sa second floor.
"Cedie, babe." Mahina at malambing kong katok. Pero hindi siya sumasagot.
Makailang ulit pa ako kumatok ngunit hindi siya sumasagot. Kinabahan na ako kaya sinubukan kong iikot ang door knob.. laking gulat ko nang bumukas ang pinto.
"Cedie!" Malakas kong sigaw ng mapansin kong bumubula ang bibig niya! "Cedie!" Sigaw kong muli at inalog siya.
"Sir Napano po- Jusko cedie!" Sigaw naman ni ate sabel.
Kaagad kong binuhat si Cedie at isinakay sa kotse ko. Mabilis akong nagpatakbo papunta sa malapit na ospital.
"Sir, hanggang dito nalang po kayo. Kami na po ang bahala sa pasyente." Pigil ng nurse sa akin.
Tinawagan ko ang mga kaibigan ni cedie at sinabi ang nangyari. Kaagad din naman silang nakarating sa Hospital.
Pilit namang pinapatahan ni Kelvin si Chloe dahil walang tigil ito sa pagiyak. Habang ako naman ay tuliro at sinisisi ang sarili.
Makalipas ang apat na oras ay lumabas ang doktor sa Operating Room.
"Sino ang pamilya ng pasyente?" Sabi ng Doktor
"Wala po ang parents niya, pero ako ang Boyfriend niya."
Nagulat man ang doktor ay kinausap pa din niya ako.
"Nagoverdose ng Sleeping pills ang pasyente. Natanggal na namin ang 12 na pills at may nakita akong residue na sa tingin namin ay ang pang-13. Hindi ko pa alam kung kailan siya gigising. Pero ligtas na sia sa ngayon, hindi pa natin alam ang side effects. Ipapalipat ko na siya sa Private room."
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Genç KurguThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...