Chapter 23: Be Open.
Dedicated ang chapter na ito sa lahat ng masipag mag-vote at magcomment. Sorry kung hindi ko kayo maisa-isa kasi wala akong Time :( sorry. Sana supportahan niyo padin ito. Love You Friends!
...
"Just for once i need someone who's afraid of losing me."
Cedie's POV
Isang linggo na ang lumipas simula nung magbukas ang Second Sem namin. Isang linggo na din nung nakilala ko si Tristan. Sa loob ng isang linggong yun masasabi ko na 'close' na kami. Kasi nagbibiruan na kami, nababatukan ko na din siya. Nauuto na ilibre ako. Yung mga simpleng bagay na nagagawa mo pag close na kayo ng tao.
Madalas naming kasama si Tristan sa break, bale 2 hours yung vacant. Nakakita ng partner si Kelvin pagdating sa kagaguhan. Kaming apat nila Chloe kasi madalas magkasama eh kaya laging si Kelvin napagbabalingan ng inip. Ngayong may Tristan na aba ang loko, kami na binubully ngayon. Patas na ang laban.
Let me describe Tristan. 5'10 ata siya? Moreno. Tama lang katawan. Magaling maggitara, maganda ang boses. Parang mohok yung gupit. Ewan ko ano tawag sa gupit na yun, yung parang pang badboy na ewan. Tapos may hikaw siya left ear, dalawa yun. Eto pa ang nakakaputok ng ugat, BI daw siya. Nung una na-awkward ako para kay kelvin. Pero nakaget-over naman kami, este ako, kase sabi ni Kelvin "Ayos lang yan. Yan ngang si Cedie may syotang lalake eh. Pakilala namin siya sayo sa Friday."
Matabil talaga bibig ni Kelvin, di ko na napigil pa ang pagkamadaldal niya. Ayaw tuloy akong tigilan sa mga tanong ni Tristan ngayon.
"Excited nako makita siya sa Friday. Para malaman ko sino mas pogi samin."
"Sus. Kanina pa yan ah?" Sabi ko.
Sa totoo lang hindi ko alam sasabihin ko. Kasi di ko naman alam kung makakasama si Luke sa biyernes. Busy sa school eh. Tapos medyo naiilang ako sakanya, di ko kasi alam kung coconfront ko ba siya sa nakita ko or ano. Naasar din ako, hindi ko alam kung sakanya o sa sarili ko. Tangna lang.
Hindi ko pa kasi nasasabi kay Luke tungkol dun sa babae eh. Ayoko man magisip nang kung anong bagay pero di k maiwasan, hindi ko maiwasang magduda, hindi ko maiwasang masaktan. Nasaktan ako ng matuklasan kong nagsinungaling siya. Ang buong akala ko kasi ay nasa practise siya. Pero tulad nga ng sabi ni Chloe
"Alamin mo muna kung sino siya. Alamin mo muna kung kalaban o kakampi."
Problema kasi sa akin pinanghihinaan ako ng loob. Inuunahan ako ng takot, takot na baka hindi ko kayanin kung ano man ang isagot ni Luke. Ayoko naman tanungin si Luciano kung may nalalaman ba siya. Gusto ko malaman ang totoo ng walang tulong ng iba.
"Anaknang. Sino nagbato ng straw sakin?" Iritang sabi ko.
"Ako. Ang lalim ng iniisip mo eh. Di mo namalayang kanina mo pa ako katabi."
"B-bakit andito ka?" Halatang nagulat ako na andito si Luke.
"Bawal na ba kitang isurprise visit?"
"Wala nama akong sakit para ivisit mo." Sarkastikong sagot ko.
"Kikidnappin kita. Tara na."
"May klase pa ako."
"Sabi nila Kelvin wala naman daw kayo masyado gagawin. Tara na."
"Teka lang naman. Bigla ka na lang dadating dito tapos kakaladkarin ako ng basta?" Medyo napataas boses ko. Para tuloy galit ako.
Hindi nagsalita si Luke. Kinuha ang bag at cellphone ko sa table at Hinila ako papuntang kotse. Hindi na ako naka-apela pa. Nagulat ako sa inasal ko eh. Pagdating naman sa kotse ay wala kaming imik. Nagdadrive lang siya habang ako tulala sa bintana at sinusubukang bilangin ang ulan, ang awkward eh.
BINABASA MO ANG
Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)
Teen FictionThe Broken hearted and The Player. a story between two young man with different personalities who met in a very unusual way. but how the two of them barge in each others life and how will they find the true meaning of LOVE. Will the broken hearted...