Chapter 2:The Savior

3.2K 62 5
                                    

Chapter 2: The savior.

Cedie's POV

Sakit ng ulo ang gumising sa akin. Umupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko.

"Fck." Bulong ko Habang sapo sapo ang ulo ko.

"Hangover?" Agad agad akong napatingala upan tignan kung Sino ang nagsalita. "Oh, gulat na gulat?"

Nakatapis lang siya ng tuwalya habang nakapamewang na nakatingin sakin.

'Ano ba Cedie, really? Makipag hook up talaga?' Tanong ko sa sarili ko.

Tumayo ako para hanapin ang damit ko pero laking gulat ko nang suot ko pa Dina ng pantalon ko.

"Wait, did you think na nagsex tayo?" Tanong ng lalaki habang nakangiti. "Don't worry, I don't take advantage on drunk guys." Dumiretso Ito sa may cabinet at kumuha ng maisusuot. niya. Nakaupo lang ako sa dulo ng kama at pinagmamasdan siya. "Catch." Pabato niyang inabot sa akin ang puting t-shirt.

"Nasaan yung suot ko kagabi?" Nagsusuot na siya ng damit kaya pasimple ko lang namasdan ang magandang hubog ng katawan niya.

"Nasa labahan. Puno ng suka mo." sagot niya habang natatawa.

"Sorry." Nahihiya kong sagot. Ano ba kasing naisip ko at naglasing ako kagabi. I was just having fun eh, Pero Ewan ang sakit at tagos sa puso yung mga spoken poetry performances kagabi. Sinuot ko yung tshirt na inabot niya sa akin at tumayo na. "Di na kita aabalahin, Saan ba palabas dito?"

"It's okay. Kumain ka Muna sa baba."

"Nako hindi na. Nakakahiya na masyado." Sagot ko.

"Ngayon ka pa mahihiya..." malaman niyang sagot habang natatawa. "Sunod ka nalang sa baba when you're ready."

Sht sht sht! Ano ba kasi naisip ko kagabi! Di na ako maglalasing.

Pababa, napansin ko ang mga picture sa may hagdan. It's him, kasama ang, I guess, his Mom and Dad. The guy looks familiar. Lalo na dun sa huling larawan kung Saan naka jersey uniform siya ng bastketball.

"Here." Lapag niya sa akin ng kape at toasted bread paglapit ko sa kainan.

"I really need to go. Nakakahiya na din kasi sayo." Sabi ko. Tinignan niya ako na parang naweirduhan siya. Tumayo siya at pilit akong inupo. "Teka teka, wag na nga eh, aalis na ako."

"Just have some breakfast. Di maalis sakit ng ulo mo kung di ka kakain." Left with no choice I sighed and sat properly. Mabango ang kape, umiinom ako nito ng bigla siyang nagsalita. "Nahihiya ka? Eh kagabi halis lumingkis ka sakin , di na nga ako makahinga eh." Halos maibuga ko ang kape dahil sa sinabi niya. Natatawa

Naman ang loko at parang nang-aasar pa.

"Oh god, I was drunk. Sorry hindi ko intention na mabastos ka." I said. Sigurado namumulang kamatis na ako dito. Nakakahiya!

"Ok lang. Naiintindihan ko Naman na lasing ka." Natatawa siya.

"Tinatawanan mo pa ako diyan ah." Natatawa kong sagot. Medyo nawawala na kaba ko at hiya kasi parang mabait naman to.

"Hinahalikan mo pa nga leeg ko eh." Pagkasabi niya nun ay Tumawa siya ng malakas at halos di na siya makahinga. Kasabay naman nun ang pamumula ko. Napatakip nalang ako ng mukha, pwede bang mag-disappear nalang bigla?

"Shet, sorry talaga." Sabi ko Habang nakatakip sa mukha ko. Tuloy pa din ang pagtawa niya. Halos maluha na siya. "Tuwang tuwa ka ah, siguro gusto mo din!" Defensive ko na sabi. Paunti unti tumigil yung tawa niya.

"Hmm, Pwede na? Di ka marunong humalik eh." Casual niyang sagot Habang pakagat siya sa toast niya.

Nagkwentuhan pa kami, actually mostly asaran lang. naikwento niya na muntik akong manakawan kagabi dahilan kaya tinulungan niya ako at inuwi nalang dito sa rest house nila. Siya lang ang andito, tulad ko mag Isang nagbabaksyon. Di ko na natanong dahilan bakit siya mag-isa dito nagbakasyon, Baka isipin niya masyado na ako chismoso.

Tough Guys Turn Me On (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon